TRENDING noon ang topic tungkol sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez.
Nag-react kasi ito noon sa promo plug ng GMA network ukol sa napipintong pagbabalik sa telebisyon ni Senador Bong Revilla.
Ikinaloka kasi ng netizens ang komento niyang, “‘di ko kaya, besh.”
Sa kabila nito, marami rin ang pumupuri sa paninindigan at katapangan ng anak ng veteran actress na si Lotlot de Leon.
Katunayan, hinahangaan nila ang pagiging maprinsipyo nito at vocal sa kanyang mga pananaw sa buhay.
Pero ang lola niyang si Pilita, hindi raw nagustuhan ang umano’y ginawa ng kanyang apo. Kuwento pa ng Asia’s Queen of Songs, kinastigo raw niya si Janine dahil sa kanyang naging post.
Para sa kanya, wrong move para kay Janine ang sumawsaw pa sa ganoong isyu, lalo na’t politikal pa ito.
Hirit pa niya, na-misunderstood din daw ang kanyang apo dahil wala raw naman itong tahasang sinabi na hindi siya pabor sa pagbabalik sa telebisyon ng tsinitong actor-politician.
“I said, ‘You’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong.’ Wala naman na siyang… Ang sabi niya, ‘Yes, Mita. Yes, Mita.’ Ang sabi ko, ‘You don’t do that, you don’t say that. Who do you think you are?,” ayon sa beteranang singer.
“Sometimes, you just open your mouth and you don’t know. Maybe you meant, ‘Oh my God, so exciting.’ You didn’t do that, Janine,” dugtong niya.
PAULO AVELINO LEADING MAN NI JANE DE LEON SA “DARNA”
SI Paulo Avelino ang leading man ni Jane de Leon sa super heroine movie na ginagawa ng magaling at award-winning director na si Jerrold Tarog.
Tila nagiging paboritong katrabaho ni Direk Jerrold si Paulo dahil matatandaang naidirehe na niya ito sa horror flick na “Aswang” ng Regal at sa historical movies na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral” na parehong iprinudyus ng TBA Studios.
Siya rin ang original choice ni Direk Antoinette Jadaone para sa proyekto nitong “Fangirl” para sa Project 8 Corner San Joaquin Projects at Black Sheep Productions.
Comments are closed.