JANINE GUTIERREZ MALABO PANG PAKASAL KAY RAYVER CRUZ

janine and rayver

KUNG pagmamahalan din lang naman ang pag-uusapan, solid na solid diyan sinawallface Rayver Cruz at Janine Gutierrez. Kahit walang pag-amin sa dalawa, sa aksyon lang nila at sweetness sa isa’t isa, kahit ‘di na umamin pa, alam na agad na there’s something going on sa kanila. Ika nga, action speaks more than words. Nasa right and legal age na rin naman sina Janine at Rayver, anong edad kaya balak na pakasal ni Janine sa boypren?

Para kay Janine, wala siyang specific age na ibibigay, gusto kasi niyang ma-achieve ang mga pangarap niya bago mag-asawa kahit pa sabihing it will take years of her life. Bukod kasi sa may sarili na siyang condo, nais pa rin ni Janine bumili ng bahay para sa sarili niya. Gusto niya rin ipaayos ang bahay ng kanyang pamilya at iba pa.

Pagdating naman sa kanyang karir, marami pa rin nais gawin ang Kapuso actress. Mga dream roles niya. Tulad na lang daw ng isang bad ass girl in Apocalypse time, ala Mila Kunis role sa “The Book of Eli”. At nasa bucket list din ni Janine ang mga actor na nais niyang makasama sa isang project, check na raw ‘yung kay Tom Rodriguez na ngayon ay leading man niya sa “Dragon Lady” ng GMA7.

Sa Kapamilya actor naman, hindi alam ni Janine kung mabibigyang katuparan ang isa sa bucket list niya, ang maging leading lady ni John Lloyd Cruz sa isang pelikula. O ‘di nga ba, parang wala nang balak pang magbalik sa showbiz si John Lloyd dahil maligaya na siya sa simpleng buhay kasama ang kanyang asawang si Ellen Adarna at kanilang baby boy.

SOPHIE ALBERT LEVELS UP SA PAGIGING KABIT 

AMINADO ang young Kapuso actress na si Sophie Albert na nagkaroon siya ng SOPHIE ALBERTagam-agam kung tatanggapin niya ang alok na role sa kanya ng bagong te­leserye ng Siyete na “Bihag” kung saan ay magiging other woman siya ni Jason Abalos na ang legal na asawa naman ay si Max Collins sa natu­rang te­leserye.

Pero, nang mabasa raw ni Sophie ang kabuuan ng script ay agad-agad niyang grab ang role. Iba kasi ang pagiging kabit niya sa “Bihag” kaysa sa nauna niyang teleseryeng ginawa sa Siyete, ang “Pamilya Roces”.

Sa ‘Bihag” kasi mas palaban siyang kabit, mas sexy at mabibigat ang drama scenes nila. Samantalang more on sexy comedy naman ang “Pamilya Roces”. Say pa rin ng young actress, at least daw ay iba’t ibang level ng pagiging kabit ang napanonood sa kanya ng followers.

Paano naman kung ma-type cast na lang siya sa pagiging other woman, payag kaya naman si Sophie? Say ng actress, wala raw problema kung ‘yun naman talaga ang gusto ng mga fans na gawin niya. Pero hindi rin isinasantabi ni Sophie na makagawa rin naman ng ibang role maliban sa pagiging other woman.

Comments are closed.