JANINE GUTIERREZ NAG-ALA KIM KARDASHIAN

KINABOG ng Marry Me, Marry You’ star na si Janine Gutierrez ang American socia­lite, model, influencer, at businesswoman na si Kim Kardashian West  sa isang event na kaniyang dinaluhan.

Batay sa kaniyang Ins­tagram post, pahinga sila sa taping kaya lumipad kaagad ito sa New York City, USA. “Kim, could you stop taking pictures of yourself? Your sister’s going to jail!” inilagay niyang caption sa kanyang ala-Kim Kardashian pic kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang mga Hallo­ween mamas na nag-ayos sa kaniya para maging kahawig niya si Kim.

“Channeling ‘Kim K’ for this years NYC Halloween,” saad pa niya sa IG post kalakip ang isang video kung saan umaarte-arte siya mala-Kim K.

Nasa New York si Janine para makapagbakasyon habang patuloy na umeere ang romantic comedy series nila ni Paulo Avelino na ‘Marry Me Marry You’ sa mga platforms ng ABS-CBN.

Ayon sa manager ni Janine na si Leo Dominguez, nagbabakasyon si Janine sa NYC. Isa ang NYC sa paboritong puntahan ng dalaga, kaya naman since matagal siyang hindi nakapag-travel dahil sa pandemic, doon ang unang destinasyon niya.

 

ENGAGEMENT, KASAL NINA DENNIS  AT JENNYLYN SIMPLE LANG

KUNG gaano kasimple ang ginawang marriage proposal ni Dennis Trillo noong Biyernes ng gabi (October 29,2021) sa kanyang soon to be wife na si Jennylyn Mercado simple din daw lamang ang kanilang magiging kasal.

Expected ng kanilang mga tagahanga na anytime ay magaganap na ang kasalan. Ang maganda pa rito ay isasabay na rin daw nila sa wedding ang “gender reveal” ng kanilang magi­ging baby.

Hindi naman ipinagkait ni Dennis na ipaalam sa lahat ang plano nilang civil wedding ceremony na magaganap sa isang events place na probably daw ay yung malapit lang sa kanilang bahay para hindi na mahirapang bumiyahe ang aktres. Wala rin daw silang planong magpagawa ng mga bonggang wedding outfits dahil “simple at intimate affair” lamang ito.

“Sa panahon ngayon, ang hirap mag-plano ng regular wedding na malaki, at maraming bisita. As we all know, hindi safe at hindi na rin praktikal ang magarbong kasalan,” ayon pa kay Jennylyn.