JANINE GUTIERREZ NEGOSYANTE NA RIN, MAY FRANCHISE NG ‘I DO NAILS’

JANINE GUTIERREZ

KUNG Resto Grill ang negosyo ng mother na si Lotlot de Leon sa Parañaque ay Nail Salon naman ang napiling pasukin ng  Kapuso showbiz royalty na si Janine Gutierrez na may sariling franchise entra eksenana ng I Do Nails na magbubukas na this month sa Ayala Malls  na nasa Meralco Avenue, Pasig. Ilan sa services sa bagong salon ni Janine ay nails, eyelashes, and waxing services.

Ibinahagi nito sa kanyang Instagram account ang kanyang excitement sa opening ng first business venture.

“Hi everyone. “I’m back in Manila and super excited to share with you that we’re opening our own branch of I Do Nails!!  I can’t wait to show you guys the place and see you all there.” Follow @idonailsthe30th for updates! soft opening this weekend!”

At least isa si Janine sa mga artistang marunong sa buhay at madiskarte.

MARIAN RIVERA NAG-ENDORSO NG ISA SA MALALAKING SUPERMARKET

PORMAL na ipina­kilala kamakailan si Kapuso actress/TV host na si Marian Rivera bilang kauna-unahang celebrity endorser ng isa sa pinakamalalaking supermarket, ang Waltermart na may iba’tMARIAN RIVERA ibang sangay nationwide.

Nu’ng malaman daw ni Marian sa kanyang manager at Ateng na si Sir Rams David na kukunin ang serbisyo niya ng Walter Mart, ay agad na niyaya ng aktres si Sir Rams.

“Nang sabihin ni Ateng(Rams) na kinukuha ako ng Walter Mart, niyaya ko siya na mag-shopping kami sa isang branch nito. Ayaw ko kasi iyong ii-endorse ko pero hindi naman pala karapat-dapat. Pero iyon nga, nakita ko na okey ang  service nila, nalaman ko rin na pwede na mag-order online na bawas hassle dahil idi-deliver na sa iyo ang gusto mong bilhin. Nakita ko rin  na kumpleto ang mga item nila at very affordable ang prices. Andami rin nilang sales items na makaka-save ka,” pagbibida pa ni Marian sa new endorsement.

Masaya pala nitong ibinalita sa nasabing event, na balik Sunday Pinasaya na siya at patuloy siyang napapanood sa kanyang weekend drama anthology na “Tadhana” na humataw sa ratings.

MISS MILLENNIAL PHILS 2019 NAGBIBIGAY NG AWARENESS SA GANDA NG LUGAR AT MGA PAGKAIN

MALIBAN sa nakatutulong sa turismo ang Eat Bulaga para sa beauty contest segment nilang “Miss Millennial Philippines 2019” ay nabibigyan pa ng awareness ang TV viewers sa ipinagmamalaking lugar ng bawat kandidata na very proud na ipinapakita ang ganda ng kanilang lugar at mga kilala o itinatangi nilang pagkain o specialty.

Infairness ang gagan­da ng lahat ng candidates ngayong taon at lahat sila ay mahuhusay sumagot kaya mukhang mahihirapan ang judges sa pagpili ng bagong Miss Millennial mula sa 40 title holders na tatanggap ng house and lot from Lessandra, P500K at millennial crown.

Maraming magagandang komento sa nasabing beauty contest. Mula kay Amanda Fox, “Sa totoo lang this is the only beauty contest where I feel good and proud about each  candidate.

Nakakahiyang mam-bash dito. All I have is appreciation and support for each one of the them dahil sila nagdadala at sumisimbolo sa bawat bayan at malaking karangalan at katungkulan ‘yun.

Congrats EB!!

Comments are closed.