TILA wala nang saysay ang Joint Administrative Order (JAO) na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para gamiting batayan ng Games and Amusements Board (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC) kung kaya plano ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na isantabi na lamang ito at hayaan ang mga local government unit (LGU) sa mangasiwa sa torneo na isasagawa sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Mitra, nakatakda niyang pulungin ang Board of Commissioners at department heads ng GAB upang talakayin ang mga nagaganap na pagbabago sa health and safety protocols, kabilang ang JAO upang maiwasan ang gusot at kalituhan hinggil sa pagbabalik aksiyon ng mga player sa mga torneo sa antas ng propesyunal o amateur.
“Kami sa GAB ay sumusunod lamang sa itinatadhana ng JAO. Marami ang nagtatampo sa amin pero wala kaming magawa dahil ito ang panuntunan. Sinunod namin ang 14-day quarantine sa atleta na lalahok sa bubble set-up. Walang face-to-face at no audience, sinunod namin ‘yan,” pahayag ni Mitra,
“Pero sa nangyayari sa kasalukuyan, may mga tournament na nagaganap dahil napayagan ng LGUs at may permiso ng Regional IATF office, parang nababalewala na ang JAO. Parang wala na ring kuwenta ang JAO, so I asked the Board for a meeting pag-uusapan na namin ito.
“Useless na ang JAO. Hindi kailangan. Kaya sige kung sino ang may gustong magpa-tournament ok na lang basta sumunod sa health and safety protocols. Basta mag-ingat tayo,” sambit ni Mitra.
Nadismaya ang dating Palawan governor at congressman nang payagan ng Regional IATF office at ng Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) ang organizer na si Jai Reyes na isagawa ang bubble set-up ng bagong ligang Filipino Basketball League (Filbasket) sa susunod na linggo.
Ayon kay GAB legal counsel Atty. Omar Benitez, ilang ulit nilang tinawagan at nagpadala na ang ahensiya ng opisyal na sulat sa FilBasket organizers, ngunit wala itong tugon sa kanilang kahilingan hinggil sa plano nitong pagbubukas ng liga.
Sa ipinatutupad na panuntunan ng JAO, ang GAB ay may kapangyarihan sa lahat ng professional sports, habang ang PSC ang nangangasiwa sa amateur sa masinsin na pakikipag-ugnayan sa NSAs at Philippine Olympic Committee (POC).
“Hindi sila (FilBasket) affiliated sa PSC. Hindi rin sila sanctioned ng GAB, so anong liga sila. ‘Yun ang gusto naming malaman pero ayaw kaming sagutin ng organizers. Then nalaman na lang namin opening na nila dahil, may go signal ng IATF Regional at SBMA,” ani Benitez.
“But still, hahabulin namin sila dahil dalawang exponent ang usapin dito, health at professional aspect,” aniya.
Ikinalugod naman ni Mitra ang patuloy na pagbabalik ng mga boxing promotions, golf, basketball, chess at Esports dahil mas maluwag na ang ipinatutupad na protocol sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
“Hoping and praying that all sports will resume without any untoward incident. GAB is always here to provide assistance,” pahayag ni Mitra. EDWIN ROLLON
967430 433489Attractive section of content material. I just stumbled upon your blog and in accession capital to assert that I acquire really enjoyed account your blog posts. Anyway I is going to be subscribing to your augment and even I achievement you access consistently quickly. 932639
164199 887390Hiya! Fantastic blog! I happen to be a everyday visitor to your site (somewhat far more like addict ) of this web site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for more! 967089
172773 943428Hello there, just became alert to your blog by way of Google, and located that its actually informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful should you continue this in future. Many individuals will be benefited from your writing. Cheers! 140199