JAPAN B.LEAGUE: KIEFER MULING PUMIRMA SA SHIGA LAKES

MULING maglalaro si Kiefer Ravena para sa Shiga Lakes sa 2022-23 season ng Japan B.League.

Inanunsiyo ng koponan ang kaganapan nitong Lunes, na nagpormalisa sa kontrata para sa 2022-23 season. Gayunman ay wala na itong ibinigay na iba pang detalye.

Sa ikalawang sunod na season, si Ravena ay magsisilbing Asian import ng Shiga, Nag-debut siya sa 2021-22 campaign kung saan may average siya na13.2 points, 5.9 assists, at 2.5 rebounds sa 56 games, na may 26 starts.

“I’m so excited to be back and playing with you all again,” sabi ni Ravena.

“I think this season is going to be a great season, so I think the boosters will enjoy it and support us. I hope to see you all soon,” dagdag pa niya.

Tinapos ng Lakes ang nakaraang season na may 14-43 win-loss record.