MARAMI pang kompanya mula sa Japan ang nais palaugin ang kanilang negosyo sa Filipinas.
Sa media briefing ng second business matching fair ng Security Bank Corporation at MUFG Bank, Ltd., sinabi ng mga opisyal ng dalawang bangko na marami pang Japanese firms ang nagpahayag ng kanilang interes na magkaroon ng business deals sa Philippine companies ngayong taon.
Ang Business Matching fair ay isang inisyatibo na inorganisa ng Security Bank at MUFG kung saan ang mga kompanya mula sa Filipinas at Japan ay nagkakaroon ng pagkakataon na talakayin ang business deals at magbukas ng ugnayan para sa mas maraming bilateral opportunities.
“Our young and growing population is a key factor for Japanese businesses. Investors are looking for long-term investments that will allow them to capture some of the country’s demographic dividend,” wika ni Security Bank President and CEO Alfonso Salcedo, Jr.
Sinabi pa ni Salcedo na kumpiyansa ang Japanese firms sa mabilis na paglago ng ekonomiya ng bansa kung saan tinitingnan ng mga investor ang malakas na household spending at labor force, at young working population bilang drivers para sa mas maraming foreign direct invesments.
Sa unang apat na buwan ng taon, ang foreign direct investments (FDI) sa Filipinas ay pumalo sa $3.2 billion, mas mataas ng 20 percent noong nakaraang taon.
Ang Japan ang fourth largest country investor sa Filipinas pagdating sa FDI.
Ang mga kompanya na partikular na namumuhunan sa Filipinas ay yaong mga nagmula sa food and beverage sector, consumer goods sector, consumer electronics at cosmetics sector.
Samantala, sinabi ng mga opisyal ng Security Bank na nais ding makipag-partner ng Philippine businesses sa Japanese firms para sa pag-export ng kanilang mga produkto.
Karamihan sa mga interesadong kompanya ay nagmula sa labas ng National Capital Region (NCR) na nais makiisa sa global stage.
“However, larger scale Japanese companies looking to put up their name in the Philippines — particularly those wanting to operate in economic zones — are now in a wait and see stance due to the on-going discussions on tax reform,” wika ni MUFG Manila Branch, General Manager Tatsuto Ishida. BIANCA CUARESMA
Comments are closed.