BUMUHOS ang papuri para sa Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang young Manisan sa epic-drama serye ng GMA na Sahaya.
Markado ang kanyang role sa serye at lumutang talaga ang husay niya sa pag-arte. Marami ang humanga at napabilib sa kanyang performance bilang ina ni Sahaya at bumagay sa kanya ang role ni Manisan. Komento ng ilang netizens, agaw-eksena si Jasmine at talagang nabigyan niya ng justice ang kanyang karakter.
Sey ni @ItsRielGabs, “@jascurtissmith has brought Primetime Television to the next level. That boat scene and hospital scene will be classic for sure. Kudos to all cast and crews.” Komento ni @edrocksworld, “The subtlety and depth in Jasmin Curtis’ acting are just impressive. Too moving. Too powerful. You left a mark, @jascurtissmith.” Ayon naman kay @iamjac04, “Iba tlga ang pagmamahal ng isang ina, kahit kailan di matatawaran. Thanks for portraying a mother’s role. Tagos na tagos! Indeed superb! @jascurtissmith.”
BIGUEL MAINIT NA TINANGGAP NG MGA MANONOOD
HINDI nasayang ang excitement na naramdaman ng loyal viewers at supporters nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil pinaramdam nila ang mainit na pagtanggap sa kanilang unang paglabas sa epic-drama series. Inabangan at hindi pinalampas ng manonood ang loveteam ng BiGuel na bida sa primetime series na Sahaya.
Kapansin-pansin din para sa kanila ang hindi kumupas na talento ng magka-loveteam at nasabik din silang mapanood muli ang dalawa sa primetime. Looking forward din ang lahat sa paglabas ng iba pang cast members at makulay, madrama at exciting na kuwento ni Sahaya gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Comments are closed.