JASMINE CURTIS SMITH ITINANGGI NA SIYA AY PREGGY

DENY to death si Jasmine Curtis-Smith hinggil sa preggy isyu.chizmax

Pinagtatawanan lang umano ng younger sister ni Anne Curtis ang espekulasyon na siya raw ay buntis sa kanyang boyfriend na si Jeff Ortega.

Napagkamalan kasing buntis ang Kapuso actress nang mag-post ng photo si Jasmine  while kissing her boyfriend na nakasuot ng nude-colored swimwear kung saan halatang malaki ang kanyang tummy.

May netizens na nagkomentong ‘buntis umano ang actress.

Mabilis namang nag-reply si Jasmine, “Not yet! Bloated and full from adobo.”

Paliwanag pa niya, hindi siya buntis kundi dala lang ng daming nakain kaya lumubo ang kanyang tummy.

Sina Jasmine at Jeff ay magse-celebrate ng kanilang fourth anniversary February next year.

KISSES DELAVIN SA APT FILMS AT TRIPLE A PUMIRMA NG KONTRATA, HINDI SA GMA-7

AS far as we know, hindi sa GMA-7 artist nag-sign ng kontrata ang dating Kapamilya actress kundi sa APT Films at Triple A Management.

Ang Triple A management din ang may hawak kina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Sa Kapuso network lang napanonood ang dalawang actress na ito dahil nasa naturang istasyon din ang noontime show ng APT, ang Eat Bulaga.

Pumirma si Kisses ng kontrata nu’ng Biyernes sa APT Films at Triple A with Mike Tuviera at Triple head Rams David.

Ayon pa sa balita isa raw si Marian na naging instrumental ng paglipat ni Kisses. Kuwento ng dating Kapamilya young actress, na-meet daw niya si Rams thru Marian.

Ayon kay Direk Mike, may tatlong pelikula na raw ang nakalatag kay Kisses next year, isang rom-com movie, family ensemble drama at isang heavy drama.

Pormal daw nagpaa­lam sa Star Magic si Kisses at naghintay rin daw siyang matapos ang kanyang one year contract bago siya pumirma ng kontrata sa ibang talent agency.

SARAH AT MATTEO ONE YEAR NANG ENGAGED

KALAT na kalat sa showbiz ang engagement nina Sarah Geronimo at Matteo sarah and matteoGuidicelli.

Pero binuking ng brother ni Matteo na last year pa raw engaged ang dalawa kaya one year na raw ito, kaya lang isinekreto muna ng celebrity couple.

Naniniwala naman kami dahil as far I remember ay nasulat na­ming nag-propose ang actor sa Popstar singer nu’ng nagbakasyon ng kanilang anibersaryo sa Italy (if I’m not mistaken) last year.

“Ahhh! so totoo pala ‘yung chismis last year na engaged na sila!  Hahaha!”

Hindi rin this year magpapakasal ang dalawa dahil ikakasal sister ni Matteo.

Happy ang netizens. “Im so happy for Sarah and Matteo talaga.. I like how private their relationship is, di pampam sa socmed.. huhu.. God bless u both sa new journey.. kaming mga Pinoy eh sobrang saya sa balitang ito.. hayyyyy.. Sarah is truly an inspo..

“Di na kailangan kulitin ng press or fans kung kailan ang engagement or kasal, kasi pag ready na sila pag-usapan at mag-announce sila mismo ang manggugulat. Congrats to them!!!

Anyway, ang da­ming celebrity couples na ikakasal sa 2020 – Richard Gutierrez-Sarah Labati, Angel Locsin-Neil Arce. Balitang magpapakasal na rin umano sina Maja Salvador-Rambo Nunez.

Comments are closed.