JAY MANALO MAY KAKAIBA PALANG ANYO

NOEL ASINAS BLOG

TALIWAS sa madalas na gampanang roles ni Jay Manalo, pinuri ni Dina Bonnevie ang aktor sa pagiging butihin at mapagmahal na ama ng aktor. Kahit daw kasi malayo sa pamilya noong lock-in taping, hindi nakakalimutan ni Jay na kumustahin ang kanyang mga anak.

Aniya, “I thought he was exactly like the roles he plays, ‘yung babaero, happy-go-lucky but I was surprised that he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.”

Pagkukuwento pa ng aktres, “Every morning, habang nag-mi-makeup ako nandiyan si Jay sa right side kumakain siya ng break-fast kasi magkasunod ‘yung makeup schedule namin. Tapos doon nakikita ko nag-vi-video siya with his son and daughter. Kina-kausap niya, nag-vi-video call sila tuwing umaga then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay.”

THEA TOLENTINO, KARIBAL SA RESTO BUSINESS SI KELVIN MIRANDA

Mukhang magiging mainit at katakam-takam ang kompetisyon na mangyayari sa pagitan nina Thea Tolentino at Kelvin Miranda sa The Lost Recipe na mapapanood na sa GMA News TV simula  nitong Lunes. Rivals sa restaurant business ang mga karakter na gagampanan nina Thea at Kelvin.

“Ako po dito si Ginger Romano. Family namin ang direct competitor ng restaurant ni Kelvin. Magfo-focus ang character ko sa pakikipag-compete talaga sa food industry dahil kami ang leading restaurant na may masarap na adobo. At gagawin ng family namin ang lahat para matalo ang restaurant ni Kelvin,” share ni Thea tungkol sa kanyang role.

Marami na ang nag-aabang sa newest fantasy-romance series mula sa GMA Public Affairs. Gandang-ganda rin ang netizens sa full trailer ng series. May ilan ding nagkukumpara sa The Lost Recipe sa look at feel ng mga KDrama na patok na patok pa rin sa mga Pinoy. Ang kagandahan nga raw sa The Lost Recipe ay ibibida naman nito ang mga makasaysayang landmark ng Maynila bukod pa sa  mga masasarap na Filipino food tulad ng adobo.

Pero kaninong adobo kaya ang mananalo? Kay Chef Ginger o kay Chef Harvey?

Abangan ‘yan sa The Lost Recipe,  Lunes, 8 p.m., sa GMA News TV.

KAPATID NETWORK EXTENDED FAM NG KAPAMILYA?

Magiging extended family na nga kaya ang Kapatid Network para sa mga Kapamilya? May mga bulung-bulungan na may naga-ganap na pag-uusap ngayon sa pagitan ng Cignal-TV5 at ABS-CBN para sa natatayang partnership kung saan mapapanood na rin ang mga Kapamilya shows sa TV5. Mukhang walang makakapigil sa ABS-CBN para maabot ang mga Kapamilya viewers na matagal nang naghihintay na magbalik ang mga programa nito sa free-TV. Magiging posible nga naman ito dahil nationwide ang reach ng free-TV coverage ng TV5. Abangan natin sa mga susunod na araw kung magkakaroon ba ng announcement to confirm this.

Comments are closed.