NAGLABAS ng saloobin ang Queen of Soul na si Jaya sa ‘di niya pagkakasama sa Christmas station ID ng ABS-CBN. Lungkot na lungkot si Jaya nu’ng mapanood niya ang station ID.
“Yun nga e, wala pa ako sa Christmas station ID. Lungkot na lungkot ako, oo. Pero ‘yung sa Christmas Special kasama ako,” paniniyak ni Jaya.
Palagay ni Jaya malamang na isasama siya sa Christmas station ID ng Dos kahit sa video lang kung ‘di man sila isinama sa recording ng iba pa niyang kapwa hurado sa Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime.”
“Napakalaking blessing for me ng TNT. Ang Showtime bilang kasama nga ako sa Tawag ng Tanghalan bilang nagbigay din ng pangalan sa akin ulit, at ibinabato ako sa iba’t ibang parte ng mundo. Nakagawa ako ng maraming TFC shows and events. Kaya talagang, bagong lipat pa lang ako, bagong TNT ako noon, ang dami na-TFC, TFC, kung saan-saan na ako lumipad,” kuwento niya.
Tsika pa niya, “Hindi na kami kilala sa pangalan. Hurado na lang. ‘Uy, si Hurado,’ hahaha!”
Very flattering pa rin daw noon para sa kanya kasi parang may role siya sa isang teleserye na nagmarka sa mga tao.
With regards sa bagong format ng ASAP, naniniwala si Jaya na nagkaroon ng bagong followers ang show. Although, may mga basher naman ang sinisisi si Regine sa pagpasok sa ASAP at pagkawala ng ibang singer sa show.
“E, may boss din naman si Regine, e, ‘di ba? Mayroong mga nagdedesisyon para sa mga program. May mga bosing, so, kung ‘yun ang gusto ng bosing for the moment, so be it. I’m sure marami pang changes ‘yan sa mga darating na panahon. So, abangan, tayo rin dapat ang abangan. Ano ang mangyayari pa? Alam mo na, maraming talents ang ABS, so, I’m sure marami pa ‘yan na papasok ulit,” pahayag ni Jaya.
Natawa naman kami sa sagot ni Jaya when we asked her kung may tampo ba siya na ‘di niya pagkakasama sa bagong format ng ASAP.
“Masayang-masaya ako na naglalaba every Sunday. Hahaha!”
Tungkol kay Janno at ZsaZsa, idinaan ni Jaya sa biro na may pagka-seryoso na rin ang kanyang sagot.
“E, bakit sa akin ninyo tinatanong? E, ako nga ‘yung wala, Whoa!”
Tama naman siya. Pero siyempre, we want to get her reaction bilang mga kaibigan din naman niya ang mga binanggit na singers.
“Si ZsaZsa hindi kami nagkakausap. Pero ‘pag nagge-guest ako noon sa ASAP, then, tsika. Tsika-galore. Ayoko ring itanong kasi hindi rin business ‘yun. Unless magku-kuwento siya. Hindi ko nga rin kasi alam kung ano ang dahilan,” sabi pa ni Jaya.
EMPRESS SCHUCK GUSTO NANG MAGBABU SA SHOWBIZ
TAHASANG inamin ni Empress Schuck na gusto na niyang wala na ang showbiz at mamuhay na lang ng pribado. Bata pa lang kasi siya ay sumabak na siya sa pag-artista. Hanggang sa umabot siya sa point na parang napagod na si Empress.
“Hindi na ako happy. Hindi ako sure that time kung ano ba ang dapat na decision, and then siguro, blessing ‘yun na I have Athalia (anak nila ng boyfriend na si Vino Guingona) and it turned out na baka eto na ‘yun, kasi sobrang naging happy ako,” pahayag ni Empress nu’ng makausap namin siya sa grand presscon ng “Kahit Ayaw Mo Na.”
Kasama ni Empress sa “Kahit Ayaw Mo Na” sina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar titled “Kahit Ayaw Mo Na” mula sa Viva Films directed by Bona Fajardo.
Natagpuan daw niya ang kanyang true happiness for her and unconditional love nu’ng dumating sa buhay niya ang kanyang anak na si Athalia.
“Kaming tatlo kahit fantasy man siya, ngayon ko lang to nararamdaman, ngayon ko lang to makukuha sa buong buhay ko na never kong nakuha, so ayaw ko siyang pakawalan.”
Pero kahit ayaw ng mag-artista ni Empress, dumadating at dumarating ang mga offer sa kanya through her manager na si Becky Aguila na isinalin na ang pagsu-supervise sa kanyang talents to her daughter na si Katrina Aguila.
Samantala, kasama rin sa cast ng Kahit Ayaw Mo Na sina Daniel Matsunaga, Karl Gabriel, Allan Paule, Neil Coleta at Desiree del Valle produced by Viva Films, Blue Art Productions and Spark Samar showing on December 5.
Comments are closed.