GRAND slam ang puntirya ngayon ng San Miguel Beer kaya naman matindi umano ang bonus na natanggap ng mga player ng koponan matapos nilang masungkit ang kampeonato sa katatapos na PBA Commissioner’s Cup. Habang isinusulat ko ang kolum kong ito ay nag-uumpisa na ang victory party ng team sa San Miguel Corporation compound.
Ang tanong lang ngayon ay kung totoo ang kumakalat na balitang iti-trade ng SMB si Christian Standhardinger sa kampo ng Magnolia Hotshots. Siyempre dahil sister team ay hindi ito puwedeng direkta. Iikot muna si Standhardinger sa ibang team. May balita ring mapupunta sa San Miguel si Aldrech Ramos. Let’s wait and see.
Napakaganda pala ng istorya ng buhay ng magkapatid na Jaycee st Jayvee Marcelino ng Lyceum Pirates. Puwedeng-puwede ito sa Magpakailanman at MMK. Mula sa pagiging tindero at kargador sa palengke ay hindi natinag ang twin brothers, bagkus ay naging hamon ito upang iangat ang pamumuhay ng kanilang pamilya mula sa hirap sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball.
Naging OFW ang kanilang ina sa Jedah. Kahit nasa abroad ang kanilang ina ay kapos pa rin sila sa buhay at ang perang ipinadadala nito ay hindi sapat sa kanilang pamilya. Tatlo silang magkakapatid, bunso ang babae. Matanda si Jaycee ng limang minuto kay Jayvee. Kaya nang magka-roon ng pagkakataon na mapunta sila LPU sa pamamagitan ni coach Topex Robinson ay kayod marino ang ginawa nila. Nagpakita sila ng husay sa paglalaro sa naturang eskuwelahan hanggang makilala ang Marcelino twin brothers mula sa Olongapo City.
Nais ng kambal na players na makasama sila sa GILAS at napansin naman ni coach Yeng Guiao ang husay nila sa paglalaro. May taas na 5’9 lang sina Jaycee at Jayvee na kapwa point guard ang position. Ang pagkakaiba nila ay si Jayvee ay kaliwete. Pangarap din nila na makapasok sa PBA after ng playing years nila sa Lyceum.
Magiging panauhin ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes si coach Leo Austria ng SMB. Pag-uusapan ang matagumpay na pagsungkit nila sa championship sa Commissioner’s Cup. Kasama rin sa lingguhang session sina Team Liyab members Kevin Kio ‘Gambit’ Dizon, Jeremiah ‘1717’ Camarillo, Jervan Lorenzo ‘Bents’ Delos Santos, Lawrence Anthony ‘Rubixx’ Gatmaitan at Miguel Klarenz ‘Miggie’ Banaag. Sila ang magti-train sa national e-sports team Sibol sa 30th Southeast Asian Games.
Comments are closed.