JAZZ DISKARIL SA NUGGETS

nuggets vs jazz

NAGPASABOG sina Nikola Jokic at Jamal Murray ng 47 puntos at  33 puntos, ayon sa pagkakasunod,  upang pangunahan ang Denver Nuggets sa 128-117 panalo kontra Utah Jazz.

Pinutol ng Nuggets ang 11-game winning streak ng Jazz.

Nagtala si Jokic ng  17 for 26  buhat sa field, naghagis ng apat na  3-pointers, kumalawit ng 12 re-bounds at nagbigay ng 5  assists.

Ang Utah na nabigo sa unang pagkakataon matapos ang 11 laro ay walang nagawa sa ipinamalas na matinding depensa at  opensa ng Nuggets.

Hindi naging sapat ang  29 puntos ni  Bojan Bogdanovic at ang 13 puntos ni Donovan Mitchell para maagaw ng Jazz ang panalo.

CLIPPERS 129,

KNICKS 115

Kumamada ng 28 puntos si Kawhi Leonard upang pagbidahan ang LA Clippers sa 129-115 panalo kontra New York Knicks.

Nakakuha ng suporta si Leonard buhat sa mga kakampi na sina Reggie Jackson  na may 18 puntos at Paul George na may 17.

Naitala ng koponan, na may kabuuang 54% shooting sa 3-pointers, ang ika-10 panalo sa 11 laro para umangat sa 16-5 kartada.

Nakalikom si Julius Randle ng  27 puntos at  12 rebounds para sa Knicks, habang nag-ambag sina rookie Immanuel Quickley ng 25 puntos at RJ Barrett ng 23.

76ERS 119,

PACERS 110

ZONE defense ang naging susi para maisilid ng Philiadeplhia 76ers ang 119-110 panalo kontra Indiana Pacers.

Lugmok sa 16 puntos ang 76ers sa ikaapat at huling yugto nang lumipat sa zone defense ang coach ng Sixers na si Doc Rivers.

Pinangunahan ni Tobias Harris  ang  Philadelphia sa kinamadang  27 puntos at 8 rebounds habang nagdagdag si  Furkan Korkmaz ng 17 puntos, kasama ang dalawang malalaking puntos sa huling 2:30 minuto ng laro.

Sa iba pang laro ay nagwagi ang Toronto Raptors kontra Orlando Magic, 115- 102; ginapi ng Washington Wizards ang Brooklyn Nets, 149-146 at dinispatsa ng Minnesota Timberwolves ang Cleveland Cavaliers, 109-104.

Comments are closed.