JAZZ, WOLVES TUMABLA; NETS NAMUMURONG MASIBAK

GUMAWA si Rudy Gobert ng krusyal na rebound at malaking dunk, may 11segundo ang nalalabi upang pangunahan ang Utah Jazz sa series-tying 100-99 win kontra Dallas Mavericks Sabado ng hapon sa Salt Lake City.

Nanguna si Jordan Clarkson sa Utah na may 25 points, nagdagdag si Donovan Mitchell ng 23 points, 7 assists at 6 rebounds, at tumapos si Gobert na may 17 points at15 boards.

Umiskor si Luka Doncic, sa kanyang unang laro sa postseason, ng game-high 30 points na may 10 rebounds at binigyan ang Dallas ng four-point, may 39 segundo ang nalalabi.  Tinapyas ni Mitchell ang kalamangan sa isa sa pamamagitan ng putback layup at isang free throw, may 31.2 segundo ang nalalabi, makaraang ma-foul ni Doncic.

Na-foul ng Jazz si Dwight Powell, may 19.8 segundo ang nalalabi at sumablay siya sa parehong tira. Pagkatapos ay nakuha ni Gobert ang rebound at binigyan ang Utah ng 100-99 bentahe sa pamamagitan ng alley-oop dunk mula sa pasa ni  Mitchell. Nakatakda ang Game 5 sa Lunes sa Dallas.

RAPTORS 110,

76ERS 102

Kumana si Pascal Siakam ng playoff-career-best 34 points at kumalawit ng 8 rebounds nang gapiin ng Toronto ang bisitang Philadelphia sa Game 4 ng kanilang first-round playoff series.

Abante ang Philadelphia sa best-of-seven series sa 3-1. Nagdagdag si Gary Trent Jr. ng 24 points para sa Raptors, na nahila ang  series sa Game 5 na lalaruin sa Lunes sa Philadelphia. Tumipa si Thaddeus Young ng 13 points at gumaw si OG Anunoby ng 11 para sa Raptors.

Nakalikom si Joel Embiid, naglaro na may thumb injury, ng  21 points at 8 rebounds para sa Philadelphia, nagdagdag si James Harden ng 22 points at 9 assists, kumabig si Tobias Harris ng15 points at 11 rebounds, at umiskor si Tyrese Maxey ng 11 points.

CELTICS 109,

NETS 103

Tumirada si Jayson Tatum ng 39 points upang tulungan ang Boston na dispatsahin ang Brooklyn sa New York upang kunin ang 3-0 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.

Naipasok ni Tatum ang 13 sa 29 shots para sa kanyang ikalawang 30-plus-point game sa series, at lumapit ang second-seeded Celtics sa sweep sa seventh-seeded Nets sa Game 4 sa Lunes.

Nanguna si Bruce Brown para sa Nets na may 26 points, subalit nalimitahan sina superstars Kevin Durant at  Kyrie Irving sa pinagsamang 32 points. Bumuslo ang Nets ng 50.6 percent subalit hinayaan din ang 37 points mula sa 21 turnovers.

TIMBERWOLVES 119,

GRIZZLIES 118

Tumugon si Karl-Anthony Towns sa isa sa worst performances sa kanyang postseason career na may 33 points at naipatas ng Minnesota angplayoff series nito laban sa bisitang Memphis sa panalo sa Game 4 sa Minneapolis.

Bumawi si Towns, na ang eight-point effort sa home loss sa Game 3 ay napantayan ang second-fewest ng kanyang playoff career, na may postseason career-high at tinulungan ang seventh-seeded Timberwolves na maitabla ang series sa 2-2. Nakatakda ang Game 5 sa Martes sa Memphis.

Nagdagdag si Anthony Edwards ng 24 points at kumubra si Patrick Beverley ng 17 para sa Wolves.

Umiskor si Desmond Bane ng 34 points upang pangunahan ang Memphis, tumabo si Dillon Brooks ng 24, at nakakolekta si Ja Morant ng 11 points at 15 assists.