JC SANTOS AYAW KALIMUTAN ANG PINAGMULAN

JC SANTOS

PAGKATAPOS na magkaroon ng  pangalan at puwang sa mainstream romantic dramas, balik sa indie scene ang theatre-turned TV and The pointmovie actor na si JC Santos.

Bida siya sa pelikulang “Kintsugi” (Broken) ni Lawrence Fajardo (“Amok”, “Posas”, “Imbisibol”) na ang kalahok sa ika-6 na edisyon ng Sinag Maynila Film Festival.

Aniya, napakalaking hamon daw sa kanya ang role niya bilang isang Pinoy na na-in lab sa isang Haponesa sa nasabing pelikula.

“Actually, there are four things na first time kong ginawa. I never actually learned so much Japanese lines in my life. First time ko ring ginamit  iyong original dialect ko, which is Kapampangan,” aniya.

Unang pagkakataon din daw niya na makatrabaho ang isang Japanese model-actress sa isang pelikula.

“It’s new to me. I’ve never worked with a Japanese girl. She’s beautiful. She’s wonderful and she’s amazing,” pahayag niya.

Bilib din daw siya sa galing at propesyunalismo ng kanyang katrabaho.

“She’s such a professional and she’s a very sensible actress,” pakli niya.

Hindi raw naman naging hadlang ang kanilang mga kinagisnang kultura at lengguwahe para hindi sila magkaintindihan at magkaroon ng koneksyon.

“I think, pareho naman kaming driven by our passion for our craft as artists at siguro doon kami nagkaroon ng connection,” ani JC.

Nag-enjoy din daw siya sa proseso ng pakikipagtrabaho sa isang foreign actor.

“Actually, I’ve never done so much improv in my life kasi the process is found. It’s new to me,” lahad niya.

Kahit daw gumagawa na siya ng mainstream movies at teleseryes, gusto raw niyang binabalikan ang kanyang indie roots.

“Nagsimula ako sa teatro at sa indie movies, at napakalaki ng naitulong niya sa pag-evolve ko as an actor. Iyong mga movies na ganito, ito iyong maituturing kong food for the soul. Ito iyong mga out-of-the-box . Ito iyong usually hindi naipapalabas.eh. Actually, kakaibang challenge siya. Since it’s found, first kong gawin itong process ng filmmaking.  Actually, sa mga ganitong klaseng pelikula, kumakapal kami sa an actor and as an artist.  Lumalawak iyong kakayanan namin at iyon ang advantage ng independent films dahil nagiging better kami as an actor and as an artist,” paliwanag niya.

Nakaka-relate rin daw siya sa tema ng pelikula dahil universal ang premise nito.

“It’s a love story. ‘Kintsugi’  ang title kasi the term refers to the Japanese art of repairing broken pottery. Tulad sa isang relationship, dapat iniingatan. Fragile siya. Chances are na nasisira, nabo-broken. Kumbaga, how do work it out, how do you mend broken hearts. How do you embrace imperfections?,” pagtatapos niya.

Ang “Kintsugi” (Broken) ang ikalawang pelikula ng award-winning director na si Lawrence Fajardo na kinunan sa Japan.

Nauna na rito ang “Imbisibol” na nagwagi ng best picture at best director noong 2015 Sinag Maynila Filmfest na kinunan sa Fukuoka. Sa Saga naman ang setting ng Kintsugi.

Kabituin ni JC Santos sa “Kintsugi” ang Japanese model-actress na si Hiro Nisiuchi. Ang “Kintsugi” (Broken) ay isa sa apat na kalahok sa full-length film category ng  2020 Sinag Maynila Filmfest.

Comments are closed.