MAGIGING tatay na ang magaling na actor na si JC Santos.
Thirty one weeks na pregnant ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Shyleena Herrera.
Ayon mismo sa post ni Shyleena, baby girl daw ang kanilang magiging panganay.
Hindi naman big deal kay JC kung halos ilihim niya ang estado ng kanyang lovelife. Malaki kasi ang pagpapahalaga ng stage turned movie actor sa kanyang privacy.
Para rin kay JC, maituturing na lucky charm ang kanilang baby ni Shyleena dahil isang malaking box office hit ang kanyang pelikulang “Miracle in Cell No. 7” na naging kalahok sa nakaraang MMFF.
Huling na-link si JC sa theater actress na si Teetin Villanueva kung kanino tumagal ang kanilang relasyon ng apat na taon.
Speaking of JC, may pre-Valentine movie siya na On Vodka, Beers and Regrets.
Ito ang ikatlong pagkakataong magtatambal sila ni Bela Padilla sa pelikula.
Hit ang dalawa nilang pinagsamahang movie na “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentine’s”.
DANIEL MATSUNAGA ‘DI KAWALAN SA POLISH GIRLFRIEND
HINDI kawalan sa Polish model na si Karolina Pisarek ang naging breakup nila ng Japanese Brazilian hunk na si Daniel Matsunaga.
Katunayan, sa kanyang social media account, masaya niyang ibinahagi ang kanyang pakikipag-party sa kanyang mga kaibigan.
Tila hindi nito ininda ang hiwalayan blues nila ni Daniel. May photo rin siyang kasama ang isang bortang lalake kung saan nakikipaghalikan pa ito.
Sa kaso naman ni Daniel, maraming kibitzers na ang noon pa man ay humulang hindi magtatagal ang relasyon nito kay Karolina.
Bago kay Pisarek, naging kontrobersyal din ang pag-i-split nina Daniel at Erich Gonzales na hindi naging maganda ang hiwalayan.
Comments are closed.