JC SANTOS, ZANJOE MARUDO BAGONG BIDA NI BELA PADILLA SA 366

BILANG writer at director ng pelikulang 366, pinili ni Bela Padilla sina JC Santos at Zanjoe Marudo na lead actors. Sina Liza Soberano at Piolo Pascual sana ang una niyang choice, pero dahil nagpandemya, hindi available ang dalawa.

Kinailangan umano niyang gumawa ng major revisions sa script dahil nag-iba ang bida. Dapat daw sa Budapest, Hungary ang shooting nila pero dahil nag-close ang borders, sa Turkey na ngayon.

Actually, nagustuhan daw ni Piolo ang role at nagkasundo na sila, pero dahiul pinalitan si Liza, kailangan ding palitan si Piolo. Pero nagpaalam na umano siya sa actor na tuloy na ang shooting nila.

EXPENSIVE CANDY NI JULIA BARRETTO NAKAKAGULAT

Swerte yata si Julia Barretto sa 2022 dahil sunud-sunod ang kanyang project. May suspense horror siyang Bahay Na Pula, kasama sina Xian Lim at Marco Gumabao, may Season World Premiere ng The Seniors, ang series na pinangungunahan nila nina Ella Cruz, Awra Briguela, at ng newcomer na si Andrea Babierra, at ngayon, meron pang Expensive Candy na siya mismo ang bida.

Reunion project nila ni Jason Paul Laxamana, ang direktor ng 2019 hit movie na Between Maybes na ang katambal ay ang current boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Sa Expensive Candy, nagkaroon si Julia ng full transformation sa role ng isang prostitute. Kapartner niya dito si Carlo Aquino.

 

CARLA ABELLANA, TOM RODRIGUEZ FIXING A BROKEN HEART

Kumpirmadong may hidwaan sa pagitan nina Carla Abellana at asawang si Tom Rodriguez kahit wala silang sinasabi, lalo pa at nag-like si Carla sa komento ng netizen na tinawag na “cheater” si Tom.

Pati si Meg Imperial na kapartner ni Tom sa pelikulang The Last Five Years, nadamay at napagbintangang third wheel. Nadawit rin sa isyu si Kelley Day.

Pero agaw-pansin ang cryptic post ni Tom sa IG na may mensaheng hindi niya alam kung dapat siyang manatili o umalis at ang repost ni Carla sa IG na iba-ibang klase ng luha.

Noong February 12, nag-iwan ng “I love you” si Tom sa Instagram post ni Carla pero hindi nag-react ang actress. Nilinaw lamang niyang hindi siya ang tipo ng taong mag-a-unfollow sa importanteng tao sa buhay niya. Sa ngayon, wala pa ring linaw ang relasyon ng dalawa ngunit sabi ng iba, nagpapagaling na sila ng wasak na puso.

JANINE GUTIERREZ WISHES RAYVER CRUZ-JULIE ANNE HAPPINESS

Walang ill feelings si Janine Gutierrez kina Rayver Cruz at Julie Ann San Jose kung sila na sa ngfayon, at ang wish raw niya ay sana, maging masaya sila.

Malinaw na si Janine ang nakipaghiwalay kay Rayver at may mga espekulasyong may kinalaman sina Paulo Avelino at Julie Anne sa nasabing hiwalayan. Pero kapwa ito itinanggi ng dalawa dahil wala raw third party sa break-up nila.

Sa pagbubukas ng 2022, nabalitang may namumuong espesyal na relasyon sa pagitan nina Janine at Paulo at tila nagkakamabutihan na rin sina Rayver at Julie Anne. Hiningan ng reaksiyon si Janine sa umano’y relasyon ng kanyang ex, pero sabi lang niya, kung masaya si Rayver, masaya na rin siya na parang wala lang sa kanya. Kahit raw hindi sila nagkikita, maayos pa rin ang samahan nila ng ex-boyfriend.

Tungkol naman kay Paulo, close daw naman sila kahit noon pa. Hindi niya inamin kung nanliligaw si Paulo sa kanya, at sa halip ay tinawanan lamang niya ito, pero nagkikita raw sila at kasama nila sina Adrian Linda­yag, Cherry Pie Picache, at Edu Manzano.

Dahil best friend ni Paulo si Jake Cuenca, nakakasama rind aw nila ito sa mga lakaran at masaya itong kabarkada. KNM