JEAN GARCIA APRUB SA MOVIE NA MAY TEMANG MAY-DECEMBER AFFAIR

NAKAHANDA na si Jean Garcia na gumawa o tumanggap ng movie na nauuso hotshotsngayon na ang tema ay May-December affair film.

Hindi pa raw kasi nagagawa ni Jean ang gano­ong klaseng pelikula kaya interesado siyang gawin ito kung may mag-aalok sa kanya.

“Open ako sa anything  na hindi ko pa nagagawa. Pinag-uusapan namin ‘yun ni Direk Manny (Valera, her manager). Kung ano pa ba ang roles na hindi ko pa nagagawa. Magiging challenge sa akin iyon.

“Ngayon kasi , uso sa mga actress sa age bracket ko ang gumawa ng film na ang tema ay May-December. Bakit naman hindi kasi kung maganda ba ang script, magaling ang artistang makakasama ko at mahusay ang director, hindi ako tatanggi,” say ni Jean.

So, kaya rin niyang makipag-love scene sa bagets na makakasama sa movie kung saka-sakaling may mag-alok ng May-December affair film?

“Para sa movie, yes. Trabaho naman ‘yun, eh. Para ipakita na rin na I still have it!” nakatawa say ni Jean na makakasama sa cast ng bagong primetime teleserye ni Alden Richards na “The Gift” na malapit nang mapanood sa GMA 7.

ASAWA NI SOLENN HEUSSAFF IBINULGAR NA BABAE ANG KANILANG MAGIGING ANAK

HINDI  na nakapag­hintay ang husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico na Nico Bolzicoibulgar ang gender ng kanilang first born child ng actress kahit na may usapan sila ni Solenn na sasabihin lang nila ang gender ng kanilang anak hanggang sa maisilang na ito.

Dahil siguro sa excitement ng husband ay sinabi na agad na babae ang isisilang ni Solenn. Wala nang magawa pa si Solenn sa pagbubulgar ni Nico.

Ngayon pa lang ay marami nang kundisyones si Nico sa nakikita niyang magiging sitwasyon ng kanilang first baby girl, kaya nag-warning na siya sa mga future suitor ng kanilang anak ni Solenn.

Kailangan daw sumunod sa kanyang patakaran at naiisip na challenge para sa mga maghahangad na ligawan ang kanilang  first baby girl.

Ibinase niya sa Argentina ang kailangang  pagdaanan ng mga manliligaw ng kanilang anak bago nila tanggapin o payagan na manligaw ang mga ito.

Grabe, dahil isisilang pa lang kanilang first baby girl ni Solenn ay may plano na agad ang ama sa mga future suitor ng kanilang anak.

Ang tanong: Paano kung maging t-bird ang anak nila?

BING LOYZAGA  INAMING KONTRABIDA LANG ANG BAGAY NA ROLE

ENJOY si Bing Loyzaga gumanap na kontrabida. Wala naman daw kasing bagay sa BING LOYZAGAkanya na ibang role.

“Sinubukan  ko  rin ang maging mabait  before, pero walang masyadong challenge. Kaya okey ako parati sa kontrabida roles kasi mas  napapalaki  ko ‘yung character at hindi limitado.

“Like dito sa Beautufil Justice, I play an underworld syndicate leader na kung tawagin ay si Ninang.

“Sa panlabas, mukha siyang mabait, nagkakawang-gawa, pero deep inside, masama siya, manipulative  at gagawin ang lahat to gain power.

“Honestly  speaking , it`s  the first time na ganitong type of villain ang gagawin ko. ‘Yung tago ang pagiging evil niya. Kaya natutuwa ako sa binigay nilang role sa akin.

“At least, wala nang lovescene tulad sa huling ginawa ko,” nakatawang say ni Bing.

Sa bagong serye ay napilitan si Bing na mag-training kasama ang cast at masaya siya nakasama niya sa Beautiful Justice ang kanyang pinsan sa tunay na buhay na si Gil Cuerva.

“We`re cousins kasi, his father and my mother are magkapatid. Pero dahil sa laki ng agwat ng edad namin, he calls me Tita Bing.”

Comments are closed.