RIZAL – DALAWAMPU’T dalawa katao ang naaksidente kabilang ang dalawang nasawi nang mawalan ng preno kaya ibinangga ng driver ang sasakyan sa puno sa Daang Hari, Antipolo City.
Ayon imbestigasyon ng Antipolo Police sa pangunguna ni Chief of Police PLtCol. Alvin Consolacion, pasado alas-4 ng hapon habang minamaneho ni Jaime Mendallada, driver ng jeep, ay nawalan ito ng preno at kanyang sinubukang idaan sa kanal ngunit hindi na kinaya kaya bumangga na ito sa isang puno.
Agad na rumesponde ang mga rescue ng Antipolo City at dinala ang mga sugatan na pasahero sa pinakamalapit na pagamutan. Naialis na ang naaksidenteng pampasaherong jeep dakong alas-7:00 ng gabi.
Kinilala ang dalawang namatay na pasahero na sina Josefina Garcia at Benjamin Dato na pawang nasa hustong gulang at pawang nakatira sa nasabing lugar.
Kakaharapin naman ng driver ng pampasaherong jeep na si Jaime Mendallada ang reckless imprudence resulting to multiple homicide, at nangako naman ang may-ari ng jeepneey sa pagpapagamot ng mga biktima sa aksidente. ELMA MORALES
Comments are closed.