JEJU AIR MANAGEMENT NAG-SORRY

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Jeju Air sa sinapit na kalunos-lunos na aksidente na ikinasawi ng mga pasahero at crew nito.

Ipinahayag ng Jeju Air ang pakikiramay at paumanhin sa malungkot na insidenteng sinapit ng mga nauling pamilya.

‘We at Jeju Air will do everything in our power in response to this accident. We sincerely apologize for causing concern,” pahayag ng airline company sa kanilang social media post.

Lulan ang 181 na pasahero at 6 na crew, ang Jeju Air flight ay bumangga sa pader pagdating nito sa Muan International Airport sa South Korea kung saan dalawa ang nakaligtas—isang  crew at isang pasahero at 179 naman ang nasawi.

Ang Boeing 737-8AS ay galing ng Bangkok patungong South Korea.

“The cause of the accident is presumed to be a bird strike combined with adverse weather conditions. However, the exact cause will be announced following a joint investigation,’ ani Lee Jeong-hyun, chief ng Muan fire station.

Nagpadala naman ang National Fire Agency ng South Korea ng 32 fire trucks at maraming bumbero upang apulahin ang apoy at magsagawa ng search and rescue operations.

‘We at Jeju Air will do everything in our power in response to this accident. We sincerely apologize for causing concern,’ dagdag ng airline company sa kanilang statement post sa social media.

LUISA GARCIA