NADAGDAGAN na naman ang negosyo ng magandang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na napanonood ngayon sa “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad.
And this time, ay nakipagsosyo si Jennylyn sa long-time boyfriend na si Dennis Trillo at pormal nang binuksan ang coffee shop business ng dalawa na Litterbucks na located sa 128 Animat Bldg., Maginhawa Street, Diliman, Quezon City.
Bukas ang nasabing shop ng showbiz couple mula 10 AM hanggang 10 PM at na-surprise si Jenn at kahit kabubukas pa lang nila ay may mga customer na sila ni Dennis na lahat ay nag-e-enjoy sa kanilang isini-serve na coffee, tea at ang kanilang sariling recipe na Chunky Dough Cookies na favorite na rin ng maraming Kapuso stars like Marian Rivera and husband Dingdong Dantes.
DIREK REYNO OPOSA BILIB SA MALA-AEGIS NA SI ROSA MEJICA
PALIBHASA ay maganda rin ang boses, na kinabiliban ng inyong columnist at ng kilalang composer na si Jimmy Borja, ay kinarir na rin ng director/movie producer na si Reyno Oposa ang pagpo-produce ng CD album. Pero hindi si Direk Reyno ang singer kundi ang biriterang recording artist na si Rosa Mejica na kumanta ng kanyang komposisyon na “Pinagtagpo ‘Di Tinadhana” at in fairness dito kay Rosa ay nabigyan niya talaga ng justice ang nasabing song na punong-puno ng hugot.
Nang kantahin nga niya ito sa isang event, ay applauded siya at pinagkaguluhan ng crowd. Mala-Aegis ang banat ni Rosa sa composition ni Direk Reyno at dahil biritera ay bagay ito sa kanyang boses. Ayon pa kay Direk Reyno ay hindi na baguhan si Rosa, isa na itong professional singer ng makilala niya at happy ang kaibigan naming director at nagawan niya ito ng kanta. Sana raw ay maabot ng singer ang lahat ng pangarap nito sa kanyang singing career na alay niya sa kanyang pamilya.
EB DABARKADS DINUDUMOG SA ‘PRIZES ALL THE WAY’
KUWENTO pa ng kaibigan naming talent manager na si Ronnie Cabreros na ilang dekada nang field cashier sa Tape Incorporated tuwing nagpu-punta ang mga host sa patok na segment sa Eat Bulaga na “Prizes All The Way” sa iba’t ibang barangay kabilang na ang Luzon at Visayas ay talagang dinudumog sina dabarkads Ruby Rodriguez, Ryan Agoncillo, Backclash Grand winner Echo, DJ Malaya at ang kasama nilang mga Mr. Pogi o Mr. Macho Men.
Halos lahat daw ng residente sa bawat barangay ay nagpa-participate at lahat ay excited na baka isa sa kanila ang mabunot ang registration form na masuwerteng maglalaro at makakuha ng malalaking prizes dito. Madalas ay cash prize ang nabubuksang box ng may hawak ng susi at yes, tumataginting na P10k hanggang P15k ang puwedeng mapanalunan kasama ng iba pang premyo sa Prizes All The Way. E, para sa kapos sa buhay ay malaking tulong ang nasabing halaga.