MAGMULA nang nagbalikan sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay hindi na nababalitang nag-aaway ang dalawa.
Totoo nga ang kasabihang “love is sweeter the second time around.”
Ngayon daw ang goal ng dalawa sa kanilang relasyon ay “kung sino ang may kasalanan, siya ang unang magso-sorry.”
As far as Jennylyn is concerned, natutuwa siya dahil ang laki raw ng pinagbago ni Dennis mula nang magbalikan sila.
“Walang babae, walang barkada at walang bisyo,” ‘yan ang deklarasyon niya ngayon sa pagkatao ni Dennis.
Masaya ang celebrity couple dahil sa limang taon na raw nang kanilang relasyon ay never pa silang may pinag-awayan na malaki.
Maliliit na bagay na lang daw ang mga pinag-aawayan nila ngayon.
‘Yung bakit hindi agad nakakapag-reply sa text.’
Natuto na raw kasi sila mga pagkakamali nila nu’ng una nilang relasyon.
Pareho nilang inamin na pareho silang nasaktan nu’ng nagkahiwalay sila.
Ani Dennis, “I think wala namang tao na intensyon na masaktan ang mahal nila.”
Ayon naman sa Kapuso aktres: “We were immature then. Maliit na bagay pag-aawayan. Madikit lang sa kung sino, pagseselosan.
“We felt that we were not good for each other, so it’s best for us to part ways,” dugtong pa niya.
Pero, sadyang silang dalawa talaga ang tinadhana sa isa’t isa.
ANNABELLE PINAGSABIHAN SI SARAH
BIGLANG sumulpot sa “Magandang Buhay” nu’ng Friday si Annabelle Rama.
Guest kasi ang asawang si Eddie Gutierrez at may hindi nagustuhan ang Bisayang mataray sa sagot ni Tito Eddie nang tanungin siya ng mga hosts ng MG.
Ayon kasi kay Tito Eddie siya ang nanunuyo kay Tita Annabelle kapag nagkakatampuhan sila.
Biglang bumulaga sa stage ang kilalang mataray na si Tita Annabelle.
Aniya: “Pag nag-aaway daw kami sinusuyo daw niya ako. Never siyang sumusuyo sa akin. Wala sa kategorya ni Eddie Gutierrez ‘yung manligaw tsaka manuyo. Kaya ako na lang ang magsu-surrender para bati na kaming dalawa.”
At dahil ikakasal na rin ang anak nilang si Richard Gutierrez sa longtime live-in partner nitong si Sarah Lahbati nagbigay na rin siya ng mensahe sa soon-to-be-manugang niya.
“Ang message ko kay Sarah, tigilan mo na ang pagseselos kasi ikakasal ka na.”
Ayon pa sa ina ni Richard, halos magkapareho raw sila ng ugali ni Sarah.
“Hindi ko rin siya mabe-blame, kasi parehas kami ni Sarah, pangarap niyang mapunta kay Richard, ganu’n din ako.”
“Kung mainit ang ulo ng isa, dapat magpasensya na siya. Para magtagal, ‘wag niyang salubungin ang init ng ulo,” diretsang sabi nito habang katabi sina Sarah at anak na si Richard.
Pinasalamatan naman ni Sarah si Tita Annabelle.
“Thank you, Tita. I love you as my own mom. I’m happy na we’re this close, I’m happy na I can talk to you about everything and dalawa na ang mama ko. So I love you and thank you for everything.”
Pagtatanggol pa ni Sarah, “Akala n’yo po mataray at nakakatakot si Tita, hindi po. Maalagain po siya lalo na sa pamilya at mga kaibigan.”
Sa susunod na buwan (Marso) ay ikakasal na sina Richard at Sarah kung saan nagsama muna sila ng matagal at nagkaroon na ng dalawang anak.
Teka, how true na may sariling guest list si Tita Annabelle para sa kasal nina Sarah at Richard?
Comments are closed.