JENNYLYN MERCADO BALIK-ROMCOM

JENNYLYN MERCADO

BACK to her romcom forte si Ultimate Actress Jennylyn Mercado na tinatawag na showbiz eye‘queen of romcom’ sa kanyang bagong tele-pelikula, the first ng GMA Network, ang “Love You Two” with another paborito sa romcom series, si Gabby Concepcion as her leading man.

Sana hindi n’yo na-miss ang pilot episode sa worldwide premiere last Monday, April 22, at tiyak na nagustuhan ninyo, ang pagpapakilala kina Jen as Raffy, kapatid niya na sina Sam (Shaira Diaz) at Harrison (Jerald Napoles).  Ipinakikilala rin si Jake (Gabby) ang may-ari ng Kalayaan Hotel.  Kilig na nakakatawa naman ang relasyon nina Raffy at Theo (Clint Bondad), na after all the years na magkarelasyon sila, saka biglang tumanggi si Theo sa marriage proposal ni Raffy.

“Thankful po ako na balik-romcom ako, alam naman ninyong ito ang forte ko, enjoy akong gawin ang light romantic-comedy series na tulad nito,” sabi ni Jen.  “Saka mga bago ang kasama ko sa cast, si Shaira, si Kiray Celis, si Clint, si Michelle Dee, at sa crush ng bayan, na hanggang ngayon na ilang buwan na kaming nagti-taping, nai-starstruck pa rin ako.”

Ang “Love You Two” ay dinidirek ni Irene Villamor.

ALDEN NABIHAG SI DIREK CATHY GARCIA-MOLINA

SA kabila ng mga aberyang nangyayari sa shooting ng “Hello, Love, Goodbye” nina aldenKathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema sa Hong Kong dahil sa laging sinusugod ng fans kahit saang location sila magpunta.  At sinasabayan pa ito ng madalas na pag-ulan sa Hong Kong, na laging exterior ang mga eksena nilang kinukunan, napi­pilitan silang huminto ng shooting.

Pero si Direk Cathy, na ngayon lamang nakasama at naidirek si Alden ay hindi nakapigil na mag-comment tungkol sa actor: “Di ko pa napanood mga shows niya dati, pero first take pa lang namin, napahanga agad niya ako.  Mahusay ang atake.  Mata pa lang na­ngungusap na. ‘Di kami nagkamali na kunin ang serbisyo n’ya. At super bait na bata. Wala akong masabi.”

Nagpasalamat naman ang netizens na nakabasa sa tweet ni Direk Cathy:

@beth Marquez Thank you Direk CGM for the kind words.  Glad Alden comes up to your expectations. @Levy Wow! sarap naman pakinggan. Coming from the director herself.. We are proud of you Tisoy..thank you direk Cathy for the kind words.. @EJ KIKAY As always walang tao na nakatrabaho niya na hindi siya na-appreciate.  Professional at work with a good heart.

Sa Hong Kong na nagpalipas ng Holy Week sina Alden, Kathryn at ang buong production staff, dahil sinubukan nilang matapos ang shooting ng mga eksena roon bago sila bumalik ng Filipinas.

For one, si Alden ay bumalik ng Filipinas dahil ngayon ang opening ng kanyang McDonalds food chain sa Biñan Highway, sa Laguna.

STUDIO 7 NAMAYAGPAG SA NORTHERN LUZON

DON’T miss  ang summer road trip ng Studio 7 Musikalye sa Northern Luzon.  studio7Nagsimula ang road trip sa Pampa­nga, Tarlac, La Union at ang final stop nila sa CSI Dagupan Mall Grounds kaugnay ng Ba­ngus Festival via Kapuso Concert presents Studio 7: Musikalye in Dagupan.

Performers sina Christian Bautista, Mark Bautista, Gabbi Garcia, Garrett Bolden, Mirriam Manalo, Aicelle Santos, Migo Adecer, Kate Valdez, Mikee Quintos at Jong Madaliday.  Mapapanood ito pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Comments are closed.