JENNYLYN MERCADO NAILANG NA KAEKSENA SI GABBY CONCEPCION

JENNYLYN MERCADO

AMINADO si Ultimate Star Jennylyn Mercado na nahirapan siyang umarte sa mga wallfaceunang taping days nila ng bagong leading man na si Gabby Concepcion, sa “Love You Two” kasama sina Shaira Diaz at bagong Kapuso actress Kiray Celis.

Isang dahilan kung bakit nailang noong una si Jennylyn na umarte kasama si Gabby ay dahil si Gabby ang isa sa mga actor na laging pinapanood ni Jen noong wala pa siya sa showbiz. Kaya nang magsama sila sa isang proyekto ay hindi maalis kay Jen na mailang. Sa kabaitan daw ng actor at sa galing umarte ay nawala ang ilang kay Jen at na­ging komportable na sa bagong leading man.

At dahil  summer na, siyempre hindi maaalis na kahit mga artista ay may summer vacation, at nakagawian na ito ng syota niyang si Dennis Trillo na mag-summer vacation at kasama pa ang baby ni Jen. Pero ngayong summer vacation ay work daw si Jen. Kailangan na kasi nila ng maraming pondo para sa bagong soap at malapit na rin itong mapanood.

Samantala, si Gabby naman ay sa dalandan farm niya sa Batangas nagpapalipas ng init ng panahon.

JASON ABALOS GUSTONG-GUSTO NANG MAGING TATAY

KUNG ang pag-uusapan ay ang karir at lovelife ng Kapuso actor na si Jason Abalos, hapi siya sa pareho. Sa personal na buhay ay smooth sailing ng relasyon nila ng kanyang beauty queen girlfriend na si Vickie Rushton. Halos ilang taon na ang kanilang rela-syon at kapwa suportado nila ang isa’t isa sa kanya-kanyang karir— si Jason sa showbiz samantalang si Vickie naman ay sa pagi­ging model and beauty queen.

Sobrang saya rin ni Jason sa kanyang pagiging Kapuso, hindi siya nawawalan ng trabaho, kung walang teleseryeng ginagawa ay lagare naman siya sa mga drama shows ng GMA-7, at ngayon nga ay may bago siyang teleserye, ang “Bitag” na papalit sa top rating “My Special Tatay.”

Sa “Bitag” ay makakasama ni Jason sina Max Collins, Sophie Albert at Mark Herras.  Pagdating naman sa kanyang lovelife, marami na rin naman ang nagtatanong kay Jason kung wala pa ba raw silang balak ng girlfriend na magpakasal. In love naman sila sa isa’t isa at nasa tamang edad. Para kay Jason, feel na talaga niyang magpakasal at magbuo nang sariling pamilya.

Dagdag na say pa ng actor, 32 years old na siya at gusto naman niyang tumanda na makakalaro pa ang kanyang magiging anak. Sa side naman ni Vickie, say ni Jason, marami pa raw gustong gawin sa buhay ang gf at ayaw naman ni Jason na siya ang maging hadlang sa mga pangarap ng gf.

Ayaw ng actor na dumating sa puntong sisihin siya ng gf kung pilitin niya itong magpakasal. At sa pagiging konserbatibo ng pamilya ni Vickie, hindi rin daw uubra ‘yung anak muna bago kasal.

Who knows, baka pagkatapos ng pagsali ni Vickie ngayon taon sa Binibining Pilipinas ay kasalan na ang susunod na kabanata sa pagmamahalan ng dalawa.

Comments are closed.