ANG husay-husay nang mag-host ng solo ni Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng original reality artista-search na “StarStruck.” Halata ang nerbyos ni Jennylyn last Saturday and Sunday evening, nang siya lamang mag-isa ang host dahil si Dingdong Dantes ay guest sa Pinoy Fiesta na ginanap sa Toronto at Vancouver, Canada last weekend.
Napanood na ang first challenge ng seven pairs ng Final 14, at hindi natuloy ang kinatatakutan nilang elimination, sa halip ay ini-announce ni Jennylyn ang twist, na nagbigay sila ng second chance sa six hopefuls na natanggal. Next weekend, lalaban silang anim at kung may matatanggal sa Final 14, silang dalawa ang papalit at bubuo sa bagong Final 14. Kaya dalawa or one pair among the Final 14 ang matatanggal next weekend.
Napaiyak si StarStruck Council Cherie Gil, dahil ipinakiusap pala niyang bigyan ng second chance iyong mga natanggal dahil sayang daw naman kung hindi mabibigyan ng chance. Kaya natuwa siya nang pinagbigyan daw ang request niya. Next weekend, ang Council of Judges lamang ang boboto sa six hopefuls, wala ring text votes.
EAT BULAGA 40 TAON NA SA TELEBISYON
KAHAPON ay nagsimula na ang 40th year celebration ng “Eat Bulaga.” July, 1979 nagsimulang magbigay ng saya ang mga Dabarkads na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at nadagdagan na ito ng iba pang Dabarkads sa pagdaan ng taon.
Sa ngayon, ang Dabarkads ay binubuo nina Bossing, Joey, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Ruby Rodriquez, Allan K, Pia Guanio, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna (nice to see her back after several weeks na wala), Ryan Agoncillo, Alden Richards, Maine Mendoza, Luane Dy, Kenneth Medrano, Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste.
Isa pala sa most loved contests sa “EB” ang “Little Miss Philippines” kaya special guest nila si Aiza Seguerra na kilala na ngayon bilang Ice Seguerra, na hindi pa rin nagbabago ang magandang boses.
Sa kanilang “Boom” segment, ang mga contestants nila ay mga dating naging finalists ng “Little Miss Philippines.” Kaya nag-announce na si Bossing Vic Sotto na simula ngayong July, magkakaroon muli ng “Little Miss Philippines” contest at puwede nang mag-apply ang mga batang babae from 7 years old and below. Pumunta lamang sa APT Studios para mag-audition. Puwede rin silang magpadala ng videos ng gagawin nila sa audition. Ano pa kayang segment ng EB ang ibabalik nila sa month-long celebration?
MAYOR BISTEK IIWAN ANG QUEZON CITY GOVERNMENT NA MAY BILYONES NA PONDO AT COLLECTIBLES
Inihayag ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista kung magkano ang laman ng kaban ng Quezon City government na iiwanan niya sa incoming Mayor Joy Belmonte.
As of June 15, 2019, ang total amount na cash-on-hand and in-bank as well as investment, ay umaabot sa Php 26,274,035.108, or more than Php 26 Billion. Validated ito ng City Government’s various depository banks. May collectibles pa silang umaabot ng Php 6,496,929,271.50 or more than Php 6 Billions.