DAHIL isa sa dream ni Jennylyn Mercado na gumawa ng maaksiyong teleserye, natupad ito sa thriller ng Siyete na “The Cure”, kahit sobrang bugbog ang kanyang katawan sa rami at tindi ng mga eksenang maaksiyon na kanyang ginagawa. Uuwi na lang sa bahay si Jennylyn para matulog at kumuha ng panibagong lakas para sa susunod naman nilang taping.
Ganyan katindi ang dedikasyon ni Jen sa bago niyang teleserye sa Siyete. Aminado si Jen na sa tuwing matatapos ang kanilang taping for a day ay drain na drain ang kanyang byuti. Ubos-lakas talaga si Jen sa mga action scene pati na sa madrama nilang eksena. Heavy drama rin kasi ang “The Cure”. Kung dati-rati, buwan pa lang ng Mayo ay alam na agad ng masa kung may panlaban na pelikula si Jen para sa Metro Manila Film Festival, ngayong taon ay tila malabo na may entry si Jen, tutok kasi siya sa kanyang ‘The Cure’. Talagang inilaan ni Jen ang kanyang energy at oras sa bagong teleserye niya sa Siyete.
ALDEN NILINAW NA HINDI HALAW SA DATING COMIC HERO ANG BAGONG SERYE
MARIIN naman pinabulaanan ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang kumakalat na tsikang hindi raw original concept ang kanyang bagong teleseryeng ginagawa sa Siyete, ang “Victor Magtanggol”. Tsikang galing daw ito sa ideya ng “Pedro Penduko”.
Ayon kay Alden, nang mabasa raw niya ang script ng “Victor Magtanggol” ay kakaiba ang dating ng istorya, mas angkop na angkop sa Filipino at hindi kinopya sa “Pedro Penduko.” At makikita raw ito ng mga manonood once na napalabas na ito sa telebisyon, in primetime block.
MARIAN RIVERA NANINIBAGO KAY DINGDONG DANTES
KUNG may isang bagay na nadiskubre si Marian Rivera sa kanyang mister na si Dingdong Dantes, ito ay ‘yung time na naging direktor niya ang mister sa isang episode ng “Tadhana” kung saan si Marian ang host ng naturang show.
Sa naturang episode, hindi host kundi si Marian na mismo ang lalabas sa eksena at ang direktor nga niya ay ang mister. Ani ni Marian, noong una ay feeling weirdo siya, sa kadahilanan na nakasanayan nga niya na leading man ang mister pero by this time, direktor na niya. Bukod dito ay nadiskubre rin ni Marian na isa si Dingdong sa gusto niyang maging direktor, kasi hindi siya hinahayaan nito at laging gina-guide sa kung ano ang gagawin.
Ani ni Marian, mas okay sa kanya kasi na sinasabihan at gina-guide siya ng kanyang direktor sa kung ano ang gagawin sa isang eksena. ‘Yung tipong direktor na pinapaalalahanan siya. Bukod sa directing ay busy rin si Dingdong sa kanyang weekly infontainment show na “Amazing Earth” kung saan ay siya ang host na mapapanood every Sunday sa Kapuso Network.
Comments are closed.