JENNYLYN NANGAKONG MAGLE-LEVEL UP SA BAGONG SERYE

JENNYLYN MERCADO

MATINDI ang espekulasyon noon na si Marian Rivera ang magiging leading lady ng The pointKapuso actor na si Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng toprating Koreanovela na “Descendants of the Sun”.

Pagkatapos na ianunsyo na si Jennylyn Mercado na ang gaganap sa papel ni Dr. Maxine dela Cruz, sobrang na-excite naman ang actress.

Marami rin ang aprub sa tambalang Dingdong at Jennylyn na para sa kanila ay bago at hindi pa nasusubukan.

Sa sobrang tuwa naman ni Jennylyn, hindi nito napigilang mag-post ng kanyang nararamdaman pagkatapos na napili na gumanap sa nabanggit na papel na binigyang-buhay ng popular Korean actress na si Song Hye Kyo sa original.

“Hi everyone. Minsan lang ako mag-post about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko,” ani Jennylyn.

Ikinuwento rin niya ang BTS story kaugnay sa aktres na gaganap sa naturang role.

“I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, na-curious ako kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is.”

Sa huli, nangako rin siyang  gagalingan niya sa pagganap sa markadong papel ng doktor para hindi siya mapahiya sa kanyang fans at followers.

“I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down. Pangako.”

PELIKULA NINA AGA AT ALICE UNANG MAPANONOOD SA DANISH FILMFEST

UNANG mapano­nood ang pelikula nina Aga Muhlach at Alice Dixson na “Nuuk” sa 5th  Danish Film Festival na gaganapin sa Red Carpet Cinema sa Shangrila sa Mandaluyong ngayong Oktubre.

Ito ang magi­ging opening film sa pinakaaabangang filmfest na libre sa publiko.

Ang nasabing pelikula na idinirehe ni Veronica Velasco ang kauna-unahang pelikulang Pinoy  na kinunan sa Greenland, isang autonomous region na bahagi ng Denmark.

Ang “Nuuk” ay kuwento ni Elaisa Svendsen (Dixson), isang Pinay migrant worker sa Nuuk (isang lugar sa Greenland) na muling nabigyan ng bagong sigla ang buhay nang makilala niya si Mark Alvarez (Muhlach), isang kapuwa Pinoy, pagkatapos na mabiyuda sa kanyang mister.

Maliban sa Nuuk, ipalalabas din ang mga award-winning at critically acclaimed Danish films tulad ng Birgitte Stærmose’s Darling (2017); Milad Alami’s The Charmer (2017); Jonas Elmer’s I Am William (2017); Niccolo Donato’s Across the Waters (2016); Bille August’s A Fortunate Man (2018); Annika Berg’s Team Hurricane (2017); Jannik Hastrup’s Circleen, Coco & the Wild Rhinoceros (2018); Carl Th. Dreyer’s Ordet (The Word, 1954); and Jasper W. Nielsen’s The Day Will Come (2016) mula Oktubre 9 hanggang 13  na kasama sa lineup ng filmfest.

Comments are closed.