HALOS magkasabay na ilo-launch into full stardom sina Jeric Gonzales at Klea Pineda sa kanilang kauna-unahang teleseryeng pag-bibidahan, ang “Magkaagaw” kung saan ay makakasama nila sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.
Umpisa pa lang ng taping ay agad nakitaan ng pagkagusto sa isa’t isa sina Klea at Jeric. Sweetness overload sa tuwing may taping na magkasama ang dalawang bida. Maging sa pagpunta nila sa promo ng kanilang teleserye sa labas ng Metro Manila ay hindi na rin tinatago ng dalawa ang sweetness nila lalo na sa backstage.
Hindi lang miminsan na nakunan ng litrato ang dalawa sa kanilang mga sweet moments. Kung kaya maraming netizens ang naniniwalang mag-on na ang dalawa at hindi pang-showbiz lang ang kanilang sweetness.
Pagdating naman sa ‘tunay nilang relasyon’ ay kapwa tahimik lang sina Klea at Jeric na tila nagsasabing ‘what you see is what you get’? Sabagay parehong loveless naman ang dalawa ng magsama sa “Magkaagaw”.
KIM DOMINGO MAY KAPALIT NA BILANG PANTASYA NG BAYAN
NAWALA ang init ng karir ng dating Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo nang mainlab siya ng todo-todo sa dati niyang boypren na si Mike Acuna at nang pagpasyahan niyang lumayo na sa sexy image na kanyang kinasikatan.
Ngayon ay may bagong hinuhubog na pantasya ng bayan ang Kapuso Network sa katauhan ni Faye Lorenzo na ngayon pa lang ay may malaking tsansa na makuha ang dating tronong kinalalagyan ni Kim tungo sa kanyang kasikatan, ang pagiging sexy comedian. Tulad ni Kim, maganda, sexy, at may makinis at maputing kutis si Faye. Ready na ako direk ang byuti niya, as in palaban talaga siya sa mga daring scenes.
Ano naman kaya ang say ni Faye na tila bago pa lang siya sa industriya ay comparing notes agad ang drama nila ni Kim? Say naman ni Faye, flattered siya at nakukumpara sa kanyang idolo, kaibigan at kapatid sa management. Pero hanggang maaari ay ayaw sana ni Faye na pagsabungin sila ng kanyang idolo. At dahil iisa lang ang halos ang katangian nila sa kagandahan at kaseksihan hindi nga maalis na pagsabungin ang dalawa lalo pa nga’t sexy/comedienne din ang packaging ng kanyang karir.
Comments are closed.