HINDI nakasipot sina Maine Mendoza, Jericho Rosales, Anne Curtis at Vice Ganda sa nakaraang PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Henry Irvin Theater ng Ateneo de Manila kamakailan.
Nanalo si Maine Mendoza bilang Best Comedy Actress, Jericho Rosales as Best Actor para sa teleseryeng Halik.
Nasa bakasyon umano si Echo kasama ang misis niyang si Kim Jones. Nag-celebrate ang celebrity couple ng kaarawan ng actor.
No show rin sa big event ng PMPC ang dalawang winner ng major award na sina Anne Curtis (Best Female Show Host) at Vice Ganda (Best Male Show Host) ng It’s Showtime.
Anyway, ‘di man nakarating ang ilang nakakuha ng major awards naging maningning naman ang 33rd PMPC Star Awards For TV.
Nagwagi si Angel Locsin bilang Best Drama Actress dahil sa napakahusay niyang pagganap bilang si Rhian Bonifacio sa ‘The General’s Daughter.’
Tuwang-tuwa ang avid viewers ng ‘TGD’ dahil ang sa mga nakuhang award ng nasabing teleserye. Best Primetime TV show, Best Actress, Best Supporting Actor at Best Supporting Actress (Janice de Belen).
Tinanghal na Best TV Station ay ang ABS-CBN.
No show rin ang awardee ng Ading Fernando Lifetime Achievement award na si Kris Aquino.
Reasonable naman kung bakit ‘di nakarating ang Queen of All Media na ahead of time ay nagpasabi nang hindi makakapunta dahil nasa Singapore siya para muling magpa-checkup ng kanyang health condition.
Ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby ang tumanggap ng special award para sa kanilang ina with the guidance of our colleague and former entertainment editor ng Balita na si Dindo Balares.
Pinasasalamatan ng PMPC ang mga host nu’ng gabing nagniningning ang mga bituin — Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Robi Domingo at Enchong Dee.
Dumating nina Angel, Arjo, Sunshine Dizon, Carla Abellana, Yasmien Kurdi, Bayani Agbayani, Maymay Entrata, Edward Barber, Rita Daniela, Ken Chan, Sophia Reola, Jeric Gonzales, Kim Atienza, Korina Sanchez, Vicky Morales, at marami pang iba.
Mapapanood ang PMPC awards night sa ABS-CBN Sunday’s Best, sa October 20.
KYLIE PADILLA DUMAAN DIN SA DEPRESYON
INAMIN ni Kylie Padilla na nakipaglaban din siya ng depression nu’ng kanyang kabataan.
Ayon sa Kapuso actress, ilang taon din siyang lumaban mag-isa ng nararamdaman bago niya na-realize na kailangang may tumulong sa kanya.
Dumarating pa raw sa puntong parang gusto na niyang wakasan ang lahat.
Ani ng misis ni Aljur Abrenica: “When I was a teenager, a lot of people responsible for my well being always labelled me as “depressed” among other things. During a time when things were so confusing and so traumatic these harmful words were being thrown around to try and silence and calm a very messy storm in our lives.”
Pero sinabi ni Kylie na ngayon daw ay naha-handle na niya ang sitwasyon.
“I just kept silencing them until they came out in my behaviour. It took some few years of denial, self pity, rebellion and breaking down of the ego for me to realise that I was in need of some healing from a past that wasn’t handled so well. And in a-lot of positive ways, I’m proud of who I have become. But everyday takes work, patience and forgiveness.”
Sa mga nakaka-experience raw ng sitwasyong tulad ng nararamdaman niya noon ang kailangan daw ay maging patient sa sarili.