ROMANTIC at napaka-sweet na nag-celebrate si Jessy Mendiola ng kanyang ika-27 birthday kasama ang boyfriend na si Luis Manzano sa Dumaguete. Ipinost ni Jessy ang mga larawan niya pati na ‘yung kasama niya si Luis sa kanyang Instagram account.
Isang linggong nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Jessy sa Dumaguete. Naging extra special ang celebration ng birthday ni Jessy dahil sa napakagandang and exclusive na lugar na pinaglagian nila ni Luis sa naturang probinsiya.
Ang sweet-sweet ding tingnan nina Luis at Jessy na magkasama sa mga picture na naka-post sa social media. Mukhang sila na talaga ang magkakatuluyan, huh.
Sa Instagram naman ni Luis ay nagbigay siya ng sweet message kay Jessy:
“Happy, happy birthday to my howhow [Jessy]!!! May this year be your best one yet and can’t wait to add more vids like this each year that passes! I howhow you!”
Ang sweet, ‘di ba?
Lumaki sa
step father
RYLE SANTIAGO SINABIHAN NG AMA NA OK PALITAN ANG APELYIDO NIYA
NAKAUSAP na pala ni Hashtag Ryle Santiago ang kanyang ama at executive ng ABS-CBN na si Reily Pablo Santiago Jr. Ang ina ni Ryle at dating Kapamilya star na si Sherilyn Reyes ang nagsabi nito sa amin nu’ng matanong siya sa grand presscon ng pelikulang “Amir: A Victim or a Victor” directed by Metong Espinosa.
“Parang hindi clear sa akin. Pero parang sinabi yata kay Ryle na kung gusto mo na palitan ang pangalan mo, nasa sa ‘yo naman. I think, ha,” pahayag ni Sherilyn.
Para kay Sherilyn, gaya ng mister niyang si Chris Tan, hindi naman daw importante sa kanila kung ano ang dalhing apelyido ni Ryle.
“Kasi, ang sabi ko kay Ryle, no matter what, anak kita. Hindi magbabago ‘yun. And, ginagamit mo na rin naman. Sa showbiz din ‘yung last name mo. So, it’s really up to you what you decide. It really doesn’t matter kasi kahit, in anything naman, kahit nga if ever sa mana hindi na magiging problema ‘yun dahil panganay rin siya, e. So, everything, like kung ay binibili kaming ano (property), sa kanya talaga namin pinapangalan, kasi siya ‘yung panganay, e. And alam naman namin, kahit mawala kami, hindi sila maghihiwalay na tatlo. Aalagaan niya talaga ‘yung mga kapatid niya. So, desisyon na ni Ryle ‘yun,” paliwanag ni Sherilyn.
Kung nagkausap na ng maigi ang mag-ama, tinanong namin si Sherilyn kung kailan naman sila mag-usap ng ama ni Ryle.
“Kapag nagkikita naman kami, very civil kami. Tsaka ni hindi namin siya napag-uusapan sa bahay. Kumbaga, may sari-sarili na kasing ano, e, it’s been 18 years. So, wala na talaga ano.Kumbaga, kapag nagkikita, ‘Oh, hi’, ‘Hello.’ Pero ‘yung tipong mapag-usapan pa sa bahay or ano, magiging isyu pa, wala talaga.”
Ang “Amir” ang kauna-unahang pelikulang ginawa ni Sherilyn since 2001. Ang last movie na ginawa niya ay ang “Four Fathers” kung saan isa sa mga bida si Bobby Andrews.
Ayon kay Sherilyn, tungkol sa mental health ang kuwento ng “Amir.”
“Tinanong nga ako tungkol d’yan like, parang if you encounter someone like Amir (may mental disorder), anong gagawin mo? Uh, siguro kasi hindi tayo aware kung ano ba talaga ‘to. Kasi, kapag sinabing mental illness sira ulo agad ‘di ba? I think lahat naman tayo may mental disorder at some point, lalo na ang mga artista. Like ako, I will not deny the fact na naga-anciety attack ako kapag nai-stress ako about something. ‘Pag sa negosyo, ganyan.”
Dagdag pa niya, “So, it’s a mental disorder. Ang maganda ngayon, napag-uusapan. So, we know how to deal with the person. Hindi mo iiwasan ‘yung person but maiintindihan mo at alam mo kung paano pakikisamahan ‘yung tao, ‘di ba? But with the kind of character that Amir has, siyempre, ‘pag may first sign of danger, ‘pag may danger na talaga, siyempre, iiwas ka na. Kailangan ninyong panoorin ang movie namin.”
Comments are closed.