MARAMING post si Jessy Mendiola sa kanyang socmed lately. Parang pinahahagingan niya ang boyfriend na si Luis Manzano na ‘mag-propose ka na kasi.’
Tulad na lang nang i-post niya ang kanyang daliri na may suot na singsing sa kanyang hinlalato (middle finger).
Komento nga ni Billy Crawford, “Sabihan mo ‘yung best friend ko ilagay na n’ya ‘yung singsing sa ring finger mo (laugh emoji).”
Si Luis ang sumagot, “yes that’s the plan.”
Komento naman ng isang netizen: “Puro pahapyaw na kasi si J lately sa mga post niya. She always wears a ring with matching pose na very obvious na gusto n’ya mapansin ng netizen ‘yung ring n’ya kung ‘yun ba engagement ring n’ya.”
Naiinggit daw kasi si Jessy sa mga kapwa artista na nasa engagement status na.
“Parang may bahid INGGIT lang ‘yan kaya super parinig sa jowa.”
“You can easily see it when you visit her ig. No need to be tutok. Parang pini-pressure na si Luis.”
May nagbiro pang “Plan plan plan! Parang gobyerno naman kung magplano! Asa!”
Kelan naman daw kaya ang ‘soon’ na sinasabi ni Luis ‘di raw kaya maging ‘Gaano Kadalas ang Minsan’ (movie ni Ate Vi, mom ni Luis).
“Inip na inip na siguro si girl kaya post ng post ng singsing.”
Anyway, kung ano man ang kahinatnan ng lovestory ng celebrity couple ang isa na pinakamasayang tao ay ang ina ni Luis na si Congw. Vilma Santos-Recto.
Inip na rin kasi si Ate Vi na magkaroon ng apo.
Hindi nga ba’t winelcome na ng actress-pulitiko si Jessy na isa na nilang Kapamilya.
DALAWANG ‘DARNA’ NAGTAGPO SA ISANG EVENT
MARAMI ang nakasaksing celebrities nang magkita sa isang event sina Marian Rivera at Jane de Leon.
Sa mga kuhang larawan nila, eto ng caption na ‘Old Darna meets new Darna.’
First time na nagkaharap ang Kapuso at Kapamilya actress sa opening ng bagong clinic ni Vicki Belo, ang Belo Medical Clinic na naganap sa Bonifacio Global City.
Ani Marian kay Jane, “Finally, I met you! Good luck!”
Agad-agad na pinost mismo ni Marian na ibinahagi ang kanilang larawan ni Jane sa kanyang socmed.
Ang nilagay na caption ng Kapuso actress, “Nice to meet you, Jane! (two hearts emoji).”
Nu’ng Miyerkoles ay si Jane naman ang nagbahagi ng picture nila ni Marian.
Ani Jane: “Happy to finally meet you po @marianrivera Thank you for all your kind words and sana magka-work po tayo soon! (hugging face, two hearts emojis) #Darna.”
Natuwa naman ang mga tagahanga ng dalawang celebrity.
Komento nga nila sana raw ay mapanood nila sa iisang proyekto ang dalawang actress na magkasama.
Si Jane ang pumalit kay Liza Soberano para sa Pinay heroine movie, Darna.
Bago si Liza si Angel Locsin ang orihinal sanang gaganap sa Darna movie. Nag-beg off naman ang mahusay na actress dahil naman sa kanyang spinal problem.
Samantala, si Angel din ang unang gumanap na Darna para sa teleserye. Nang iremake ay si Marian na ang ipinalit. Parehong sa GMA-7 napanood ang Darna teleserye.
Comments are closed.