One hundred percent na susuportahan ni Jessy Mendiola ang asawang si Luis Manzano kung magdedesisyon itong sumabak sa politika.
Ani Jessy, wala pa silang malinaw na desisyon tungkol dito at sa totoo lang ay seryoso nila itong pinag-uusapan, ngunit anuman ang maging desisyon ni Luis ay full support siya dito.
Matatandaang kamakailan ay nakita si Luis kasama ang stepfather na si Secretary Ralph Recto na naglilibot sa Batangas. Ayon sa report, ginu-groom si Luis na tumakbong Vice Governor, kapartner ng kanyang inang si Vilma
Santos na tatakbo namang governor ng Batangas. Pati ang half-brother ni Luis na si Ryan Christian Recto ay ineengganyo rin umanong tumakbong congressman sa 4th district ng Batangas.