CERTIFIED businessman na may negosyong taxi at clothing line ang boyfriend ni Jessy Mendiola na si Luis Manzano. And for sure malaking impluwensiya si Luis kung bakit nag-decide si Jessy na magkaroon na rin ng sarili niyang online business na SenyoritaJph.
At bukod sa kanyang showbiz career, ito ang focus niya ngayon. “Basta ngayon po, naka-focus muna ako sa blog ko saka sa online business na itinayo ko, ang SenyoritaJph, na tawag namin ay Señorita na nagbebenta ng kaftans, beach kaftans, beachwear and everything, since nagsimula na rin po ang summer. It’s only a small online business at sana ay maging successful.”
Bakit naman hindi e, expert yata si Luis sa pagnenegosyo at siguradong gagabayan siya ng kanyang nobyo.
Samantala, sa bagong pelikula ni Jessy Mendiola na “Stranded” may second movie team-up sila ng mahusay umarteng actor na si Arjo Atayde. Gagampanan ni Jessy ang role ni Julia, isang babae na hindi na-imagine na makikila ang lalaking magpapabago sa buhay, sa isang mabagyong gabi. Kung si Jessy ay stable, her career, her love life, biglang maiiba ang kanyang disposition in life nang “makulong” sila ni Arjo sa isang building dahil sa bagyo. Si Spencer (played by Arjo Atayde) ang tinutukoy na wala namang direksyon ang buhay. At sa ilang oras nang pagsasama nila, marami silang madidiskubre sa kanilang mga sarili. Wish ni Jessy na sana ay mas suportahan daw ng manonood ang Stranded na showing na ngayong April.
Makakasama rin sa “Stranded” sina Miko Raval, Mich Liggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at marami pang iba.
TALENTED SINGER NA SI JESSA LAUREL GUSTONG MAKILALA SA SHOWBIZ
PANGALAN pa lang ng new artist na si Jessa Laurel ay tunog celebrity na at yes, gagawin talaga ni Jessa ang lahat sa tulong at suporta ng kanyang very supportive parents para makilala bilang recording artist and at the same time kung mabibigyan ng chance sa teleserye ay willing din siyang pasukin ang pag-aartista.
Aba’y mahusay na singer itong si Jessa, sa katunayan nakasabay pa nito noon si Jed Madella sa international competition sa World Championship of Performing Arts(WCOPA). Bilib ang nasabing baguhan sa talent ni Jed, na sobrang husay raw talagang bumirit. Samantala para lalong mahasa ang boses at pag-arte ay sumailalim sa iba’t-ibang workshop si Jessa tulad ng Center for Pop, PETA, at Voices Studio.
Tumanggap na rin siya ng awards noong 2014 sa Champion Voirex Center for Pop 2014, Bronze
Medalist Gospel Category WCOPA 2017 at Champion Himig ng OFW Radyo Agila 2018. At dahil sa talented itong si Jessa ay naging scholar siya ng Coro Benildo at nag-compete kasama ang choir sa iba’t-ibang bansa na Busan, South Korea (2014), Segghizzi, Italy (2015) at sa Wales, UK noong 2016. She graduated in Bachelor of Multimedia Arts from De La Salle College of St. Benilde with Honorable men-tion award. Nakakahanga itong si Jessa na at her young age ay nagpapatakbo na ng sarili niyang busi-ness agency na Nuni Creatives Agency.
Comments are closed.