JOB FAIR SA SENIOR HIGH GRADS IKINASA

KTO12

HINIHIKAYAT ang mga graduate ng Senior high school na naghahanap ng trabaho na dumalo sa special job fair na inilunsad ng People Management Association of the Philippines (PMAP), sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Katuwang din ng PMAP ang Department of Education (DepEd) at ang Philippine Business for Education (PBED) sa isasagawang job fair mula ika-9 ng Hulyo hanggang ika-10, na magsisimula ng dakong 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Midtown Atrium Robinson’s Manila.

Maaaring bisitahin ng mga jobseeker ang https://werk.ph/k12-jobfair upang mag-pre-register at kumuha ng online assessment.

Upang masukat ang kanilang kasanayan, magkakaroon ang job fair ng assessment ng kanilang Intelligence Quotient, Numerical Aptitude, Personali-ty o Behavioral Test, Values Test, at iba pa. PAUL ROLDAN

Comments are closed.