IPINAMAHAGI na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6 ang mga tulong pangkabuhayan sa may 1,323 residente na apektado ng pagsasara ng Boracay Island.
Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, may kabuuang P250 million ang nakalaan sa lahat ng mga residente na apektado ng pagsasara ng isla.
Ang nabanggit na bilang ay unang batch ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD na umaabot sa P19.8 million.
Bawat isang empleyado na nawalan ng trabaho ay nakatanggap ng P15,000 na maaaring gamitin sa pagsisimula ng kanilang negosyo.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasara sa island resort simula noong Abril 26 upang bigyang-daan ang paglilinis at rehabilitasyon dito alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG). NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.