MARAMI nang iniindang sakit sa katawan si Fil-Am player Joe Devance kaya madalas ay hindi siya nakakatulong sa Barangay Ginebra.
Sa 14 years na playing career niya sa PBA, marahil ay sapat na ang 11 kampeonato na kanyang nakamit.
First round pick over all si Devance ng Welcoat Dragon noong 2007, na kilala ngayong Rain or Shine. Hanggang sa malipat siya sa Alaska Aces noong 2008 hanggang 2011. Then, muli siyang na-trade sa Purefoods noong 2011-2015. At sa kasalukuyan ay nasa Brgy Ginebra siya.
Malakas sa loob ng hardcourt ang basketbolista. Isa siya sa itinuturing na magaling na player sa PBA. Mabilis kumilos, paborito ito ng kanyang head coach na si Tim Cone . Kaya kahit saan tumungo ang kanyang coach ay pilit na kinukuha ang player.
Nagpaplano na ang Fil-Am player na magretiro na. Kapag nakakuha na ng legitimate na sentro ang team na pamalit sa kanya ay go na siya. Katunayan, may offer na ang management sa kanya upang maging isa sa coaching staff ng koponan.
Minsan na ring naging coaching staff si Joe ni coach Cone sa Gilas.Nakitaan siya ng potential na puwedeng maging head coach sa tamang panahon. Plano ni Devance na mag-aral ng Filipino language para madali niyang maintindihan ang mga kapwa player niya.
Balik na sa Pinas ang pamilya ni L. A Tenorio kaya makakasama na siya sa practice ng Ginebra sa Batangas City. Siyempre, bago nakasama sa ensayo si Ironman ay sumunod ito sa protocols na kinakailangan muna niyang mag-quarantine bago sumama sa practice. Saka nakapagpa-vaccine na rin siya sa Amerika kaya walang problema para hindi ito makasama sa ensayo.
Samantala, good bye na kay Ken Salado sa kampo ng Gin Kings kung saan pinili ng management ang kanilang rookie pick na si Brian Enriquez. Si Enriquez umano ay katulad ang laro ni Scottie Thompson kaya magkakatulungan silang dalawa kapag nag-umpisa na ang 46th season ng PBA ngayong last week of June.
Tsika pa ng On the Spot ay nagkaka-interest ang Alaska Aces sa kalibre ni Salado. Siguro naman ay wala nang kailangan pang kapalit ang dating player ng Arellano University.. Good luck, Salado!
PAHABOL: Sa mga supporter ng TSIKADORA NG BAYAN, abangan po ninyo ang aming pagbabalik sa ere ng aking partner na si Ms. Grace Torres. Siyempre ay mga maiinit na balita ang hatid namin sa inyo, gayundin ang aming mga live virtual guest na atleta. Excited na po kaming makasama kayo sapakat puwede kayong magtanong sa inyong mga paboritong basketball at volleyball players at iba pa. God bless po sa ating lahat at ingat.
515406 259797Perfect just what I was searching for! . 206273
668220 392193You made various great points there. I did a search on the topic and located most people will have exactly the same opinion along with your blog. 41306
205522 368869Hiya! awesome weblog! I happen to be a everyday visitor to your site (somewhat far more like addict ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for more to come! 752182