JOHN LLOYD AT ELLEN ADARNA NAGKANYA-KANYA NA TALAGA NG BUHAY

Ellen at John Loyd

NAMATAAN  ang  extranged  couple  na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna  na hotshotskasama ang kanilang anak na si Elias Modesto sa magkahiwalay  na  okasyon.

Nakita  si  John Lloyd kasama ang anak sa isang  lugar  ng netizen na hindi binanggit  samantalang si  Ellen naman ay nakita sa Maria Luisa Estate  Park sa Cebu City kung saan kasama rin ang kanilang anak ni Lloydie.

Ang mga comment  nga  sa pinost  ng isang netizen  sa social media:

Ellen is a true  beauty! Motherhood suits  her  well. Iba ang glow  niya!  She`s  at  her  loveliest. Less paandar…”

“Uyyy  mukhang  ang cute cute  ni Elias!

“Ang  laki  na ng baby nila. Buti naman both  of them talagang love nila  ang anak nila.”

“In  fairness  kay John Lloyd, kumikinis   at  di  na ma-eyebags.”

“Their baby looks like Ellen  especially  the  eyes.”

Ang  dalawang larawan ay nagpapatunay lang na nagkanya-kanya na nga talaga ang dating magkarelasyon na  sina Lloydie  at  Ellen.

Ang maganda lang kahit  magkahiwalay na sila ay nandoon pa rin ang  pagmamahal  at pag-aaruga sa kanilang anak na si Elias.

Hinihintay  naman  ngayon  ng mga followers ni John Lloyd ay ang pagbabalik-showbiz  nito.

Sana, huwag nang  patagalin pa ni Lloydie ang pagbabalik dahil kapag  nagtagal pa ay baka magsisi  na lang ito dahil wala nang kinang ang kanyang showbiz career.

NORA AUNOR TULOY NA ANG GAGAWING SERYE SA IYETE     

WALA  nang  makapipigil  pa sa gagawing  serye ni Nora Aunor  dahil nag-story Nora Aunorconference na ang bubuo sa cast ng bagong teleserye ng GMA Network, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit na TV adaptation ng hit and critically-acclaimed  movie na pinagbidahan nina Nora at Tirso Cruz III na ipinalabas noong 1989  na dinirek ni Elwood Perez.

Tatlong  magagaling  na actress  sa magkakaibang  henerasyon ang  lead stars ng teleserye, sina Nora, Mylene Dizon at Kyline  Alcantara.

Ang  iba pang kasama sa cast ay sina Zoren Le­gaspi, Isabel  Rivas, Divina Valencia, Ina Feleo, Yasser Mata at Gabby Eigenmann. May special  participation  sa serye sina  Ricky Davao at Dante Rivera na ididirek ng award-winning filmmaker at director na si  Laurice Guillen.

Huling teleserye ni Ate Guy sa GMA 7 ay ang Onanay kasama si Jo Berry.

Sa TV adaptation ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit ay magsisimulang  mapanood sa hu­ling  Linggo ng susunod na taon, January, 2020  para sa GMA Afternoon Primetime.

Tungkol naman sa balitang gagawin daw concert ni Ate Guy sa Araneta Coliseum ay tila malabo pa raw mangyari.

Pero  para sa mga diehard supporters at followers ni Ate Guy  ay malaki  ang  paniniwala  na mangyayari  raw ang concert ng nag-iisang Superstar.

Comments are closed.