JOKO DIAZ, BALIK-VIVA NA BALIK BIDA PA AFTER 2 DEKADANG PAHINGA

Dalawang dekada ang dumaan at saka pa lamang bumalik si Joko Diaz sa kanyang dating bahay – ang Viva Films.

Napakarami niyang pelikulang pinagbidahan sa Viva noong dekada ’90, pero ngayon, nagbabalik siya sa isang sexy-drama-action movie na Hugas, kasama sina AJ Raval at Sean De Guzman.

Sunud-sunod ang mga pelikula ni Joko at lead actor na siya uli.  Tulad nina Jay Manalo, Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Jao Mapa na nagbalik-showbiz kung kalian  panahon ng coronavirus pandemic, namamayagpag ngayon career niya. Pati ang anak niyang si Ashley Diaz sy binigysn ng exclusive contract ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment. Siya ang love team ni Andre Yllana, anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez, na ipinakilala sa television drama series na pinangungunahan ni Julia Barretto, ang Di Na Muli.

Si Jay Manalo ang co-star ni Joko sa Hugas at si Roman ang direktor ng kanilang reunion movie. Pareho naman silang masaya sa kanilang reunion dahil ayon kay Jay, noong nagsisimula pa lamang siya ay si Joko ang umalalay sa kanya way back 1994. Naging malapit umano silang magkaibigan ni Joko dahil nagustuhan niya ang ugali  nito. KAYE NEBRE MMARTIN