MARIING kinondena ng Malakanyang ang pagsabog sa Jolo na ikinasawi ng sampu katao kahapon.
Nagpaabot ng pakikiramay si Presidential Spokesman Harry Roque sa pamilya ng ng mga naulilang mga biktima ng twin bombing.
“We condemn in the strongest possible terms the explosion incidents in Jolo, Sulu today, which left scores dead and wounded, including soldiers. We likewise condole with the families and loved ones of those who died in these tragic incidents,” sabi ni Roque.
Ayon kay Roque nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang mga indibidwal na nasa likod ng pagsabog.
“Authorities are now conducting an investigation, which includes identifying individuals or groups behind these dastardly attacks,”’ dagdag nito.
Nanawagan ang Palasyo sa mga taga- Jolo na maging mapagmatyag at agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad kapag may napansing kahina-hinalang indibidwal o bagay sa kanilang lugar.
“We call on the residents of Jolo to stay vigilant and report suspicious personalities and unattended items in their areas,” sabi pa ni Roque.
Base sa ulat, limang sundalo ang nasawi at 16 na iba pa ang malubhang nasugatan sa unang pagsabog na naganap dakong alas-11:50 ng umaga sa loob ng Paradise Food Shop.
Makalipas ang isang oras ay isa pang malakas na pagsabog ang naganap sa Goteckleng Building may 100 metro lamang ang layo sa unang lugar na may pagsabog kung saan isang sundalo ang nasawi at anim na pulis ang nasugatan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.