MAKARAANG mabigo sa Chinese Taipei Blue sa kanilang opening game sa Jones Cup, bumawi ang Gilas Pilipinas Women at tinalo ang Iran, 64-58, nitong Linggo sa Taipei.
Sumandal ang nationals sa malakas na third quarter kung saan na-outscore nito ang Iran, 26-9, upang tapusin ang naturang frame na abante sa 49-39, bago kinuha ang panalo sa huli at umangat sa 1-1.
Tumipa sina Jaz Joson at Kacey dela Rosa ng tig-12 points habang kumalawit si Jack Animam ng 15 rebounds bukod sa seven-point output.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Chinese White sa Lunes ng hapon.