JOSE MANALO IBINULGAR NA SWEET PA RIN SINA ALDEN AT MAINE OFFCAM; ‘DI MAGHIHIWALAY

AYON kay Jose Manalo, wala naman nangyaya­ring iwasan sa pagitan nina Aldenhotshots Richards at Maine Mendoza. Katunayan ay sweet pa rin daw ang dalawa kapag magkasama sa studio.

“Nag-uusap ‘yun, pa­rang mga bata ‘yung dalawa na ‘yun ‘pag nag-uusap, ‘yung magbiruan. Masaya, masaya kami,” say ni Jose nang ma-katsikahan ng press sa isang panayam sa Starstruck launch.

“Yung sweetness, nandu`n. Naghaharutan ‘yung dalawa,” patuloy pa ni Jose.

Wala raw siyang nararamdaman na pinaghihiwalay or  hiwalay na ang AlDub loveteam.

“Sa Eat Bulaga kasi, siguro, ‘yung portion namin, maraming portion sa Bulaga, so bawat host, binibigyan sila ng kanya-kanya. Mayroong time naman na magkasama. Minsan, kasama rin namin sila sa Juan For All (All For Juan), eh. Siguro sa isang Linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila. Hindi naman siguro pinaghihiwalay,” say pa ni Jose.

Samantala, bago pala tinanggap ni Jose ang ma­ging Starstruck Council ay tinanong niya muna kung alam daw ba ni Joey de Leon since for the longest time ay napanonood din natin ito bilang hurado ng mga nakaraang season ng Starstruck.

Ang isinagot daw sa kanya ay hindi naman daw regular ang mga nagiging hurado sa Starstruck. Alam din daw ‘yun ni Joey.

Idol daw niya si Joey at siya ay bagito pa lang na magiging council sa nasabing artista search kumpara kay Joey. Pero nangako si Jose na gagawin niya ang best sa ipinagkatiwala sa kanyang trabaho.

LOVELY ABELLA UMIYAK SA SURPRISED PROPOSAL NG ANAK NI JOSE NA SI BENJ MANALO

UMIYAK si Lovely Abella dahil sa sorpresang tumambad sa kanya nang mag-benj and lovelypropose ng kasal ang boyfriend niyang si Benj Manalo, (anak ni Jose) na isa ring actor, dancer at host.

Hindi kasi akalain ni Lovely na magpo-propose ang boyfriend sa harap ng mga kasamahan ni Lovely sa Bubble Gang na sina Valeen Montenegro at Betong Sumaya, nandoon din sina Kakai Bautista at Je­rald Napoles.

Si Valeen ang unang nag-post sa Instagram ng proposal na kasama sa kakutsaba ni Benj sa sorpresang engagement na ‘yun.

Sumunod ang post ni Lovely sa kanyang sari­ling wall ng video ng naganap na proposal ng kanyang boyfriend kasama ang mga larawang yakap-yakap niya ang boyfriend matapos maganap ang nasabing proposal.

Sa caption ay naikuwento ni Lovely na wala siyang kaalam-alam talaga sa gagawing proposal ni Benj sa kanya.

Ang sinabi lang daw nito ay may gagawin silang music video kaya nandoon ang mga kaibigan niya sa okasyon. Sinabihan din daw siya ni Benj na mag-cameo sa music video.

Wala pa rin ideya si Lovely habang nagpapasalamat si Benj, na ‘yun na pala ang introduction ng engagement sa kanya. Nagulat na lang siya nang lumuhod ito at saka iniabot ang singsing.

Sa parteng ‘yun napa­hagulgol si Lovely lalo na nu`ng mapagtanto niya na totoo na ang proposal sa kanya ng boyfriend.

Nang sagutin ng “yes” ni Lovely si Benj at isuot na sa  daliri ni Lovely ang singsing ay napayakap na ito nang mahigpit habang umiiyak.

Ipinagtapat ni Benj na more than five (5) years na ang kanilang relasyon.

Anyway, sobrang nagpapasalamat din si Lovely sa pagkakasama niya sa longest-running gag show sa television, ang Bubble Gang na napa-panood every Friday evening sa GMA 7.

Magmula raw kasi nang mapasama siya sa BG ay mas lalong natuto siya kung paano ang tamang arte at pagpapatawa.

Matatandaang nanggaling siya bilang dancer sa programa ni Willie Revillame at mapalad na mapasama sa BG nang mawala sa TV show ni Willie.

Comments are closed.