KAMAKAILAN, dinala ng ABS-CBN ang kanilang Sunday-afternoon musical-variety program, ASAP Natin ’To, sa U.S. para i-celebrate ang ika-25 anniversary ng The Filipino Channel (TFC).
Naka-base ang TFC sa San Francisco Bay Area sa state ng California, at ang star-studded show na may hashtag na #ASAPNatinToBayArea, ay naganap sa SAP Center sa San Jose, California.
Nag-perform ang mahuhusay na Kapamilya artists together with former colleagues now based in the U.S., pati na rin ang Filipino-American singers.
Na-air sa Pinas ang show last August 18 at nag-elicit ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga ordinaryong tao at netizens.
Joshua Garcia and Julia Barretto made a lovely pair onstage as they sang their version of Bailey May and Ylona Garcia’s kilig duet, “O Pag-ibig.”
‘Yun nga lang, they failed to impress some ASAP viewers.
Nega kasi ang dating ni Julia dahil ito raw ang naging dahilan ng break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Sina Julia at Joshua naman ay nag-break na at kiyemeng the best of friends pa rin daw hanggang ngayon.
Pagkatapos ng show, kanya-kanyang kain ang dalawa kaya na-question tuloy ng netizens ang sincerity ng charoterang si Julia na obvious namang patay-dampot kay Gerald. Hahahaha!
Over! Hahahaha!
Napuna rin ng netizens na mas malakas pa raw ang sigawan ng audience kina Pops at Martin compared sa JoshLia.
Naobserbahan raw ng mga netizen na “cringey” raw ang body language ng plastikadang si Julia.
Isang Twitter user ang naglabas ng screenshot nang YouTube video ng JoshLia song number at nagsabing: “Sa tagal ko nang tambay sa Youtube, ngayon lang ako nakakita ng mas maraming dislikes kesa likes haha!”
NAPAGKAMALANG MAKE-UP ARTIST
WALANG care sa mga artista ang isang professional photographer na madalas mag-photo shoot sa talents ng isang TV station at isang film company na may konek sa isang cable network.
Palihim na nagugulat na lang daw siya when he gets to realize that the subject for his pictorial happens to be a celebrity. Karamihan daw sa mga artistang ipinu-photo shoot niya, kilos-artista pagdating sa studio o location.
Medyo familiar naman daw siya sa iba pero it’s all nothing but work for him.
Natatawa ang photog kapag naaalala ang encounter niya sa photo shoot ng isang gifted young actress. Hindi raw niya kilala ito. Nang dumating raw sa location, ordinaryo lang ang kanyang dating. Mukha raw itong gusgusin at napagkamalan niyang make-up artist kaya kanyang pinapunta sa make-up area.
After a while, narinig na lang daw niyang nagtatanong ang napagkamalan niyang make-up artist kung sino raw ba siya? Obvious na nairita raw ito sa kanya kaya nagtanong siya sa staff at kanyang nalaman na ito pala ang kanyang ipo-photo shoot.
To make a long story short, nairaos naman nang maayos ang pictorial session, pati na ang dalawa pang sumunod na photo shoot.
Ang kaso, parang hindi raw siya natandaan ng aktres. Kahit noong fourth time na i-photo shoot niya ito, dedma pa rin at parang hindi nag-register sa kanya na ilang beses na silang nag-meet for a pictorial.
Right now, alagang-alaga ng isang network ang plain looking actress. Kapag nasa eksena raw kasi ang aktres, hindi siya conscious kung maganda ba siya o hindi.
Frankly, you can’t blame the photographer if he had the impression that the actress happens to be a make-up artist.
Kami nga itong reporter na, akala nami’y kung sino lang siyang dumalaw sa isang press conference dahil hindi siya nakaayos at parang nangangalirang sa kapayatan. Kung gusto niyang magmukhang artista, dapat ay magpataba-taba naman siya nang kaunti.
Dati naman, nu’ng time na maganda pa ang kanyang katawan, may appeal naman siya at mukhang artista. Ang kaso, nagpapayat nang husto kaya mukhang anorexic.
Kung magpapatuloy ang kanyang kapayatan, baka mapagkamalan na siyang muchacha! Hahahahaha!
Follow me on Twittter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.