ANG Tagalog priest na si Eliodoro Chico y Bustamante ang bumuo at nagtatag ng kauna-unahang local band sa Gapan, Nueva Ecija noong November 22, 1820. Kasama niya dito ang kanyang kaanak na si Lorenzo Zabat y Chico para pamunuan ang banda kaya tinawag itong Banda Zabat, na naging sobrang sikat sa Nueva Ecija at mga kalapit na probinsya.
Gustong sundan ni Joshua Garcia ang kanyang mga yapak, kaya kasama ang business partner na sina Enchong at iba pang investors, muli nilang binuksan ang isinarang Academy of Rock Philippines, isang music school na matatagpuan sa Scout Borromeo Street sa Quezon City.
Award-winning music academy ang Academy Of Rock na rehistrado sa Ministry of Education ng Singapore. Mahuhusay at internationally certified ang kanilang mga teachers na nagbibigay ng music lessons ara sa Electric Guitar, Drums, Vocals (pagkanta), Electric Bass Guitar at Keyboards.
Layon nina Enchong at Joshua na pagbutihin pa ang OPM sa tulong ng Global Academy of Roc Philippines (GARP).
Binuksan ng dalawang ABS-CBN stars ang Academy of Rock (AOR) Philippines noong July 18, 2021 sa layong maibigay sa mga Filipinos ang isang mahusay na edukasyon sa musika, at upang matulungan silang marating ang kanilang mga pangarap.
Una itong itinatag ni Priscilla Teo noong 2007 sa Singapore. Noong 2012, binuksan ang unang academy of Roc sa Pilipinas sa Makati City ngunit agad itong nagsara noong 2016. Bubuksan sana itong muli nina Joshua, Enchong at mga kasamahan noong 2019 pero hindi natuloy dahil sa pandemic. Sa wakas, nabuksan din ito noong 2021 sa tulong ng iba pang investors at owners. Ka-level ng AOR Philippines ang education standard at teaching standard ng Singapore dahil doon nga ito nagmula.
“Pangarap naming magkaroon sa Pilipinas ng ganitong iskwelahan,” ani Joshua. Personal daw nila itong pamamahalaan ni Enchong upang masigurong nasusunod ang kalida ng music education na kanilang ibinibigay.
Walang pinipiling eda ang AOR Philippines, at kahit pa ang may mga kapansanan ang welcome dito. Naniniwala sina Joshua at Enchong na may natatagong talent ang mga may kapansanan na mailalabas lamang nila kapag nagkaroon sila ng Magandang edukasyon sa musika.
Magkakahalong one-on-one sessions para sa personalized mentoring at online class para sa distance music learning ang kanilang ibinibigay.
Umaasa rin ang dalawa na sa mga darating na panahon ay hindi lamang sila magiging music school kundi dance school din. Sa ngayon, mayroon silang recording booths at music rooms, cafe, performance area na kasya ang 150 katao, at multi-purpose room.
Kaagapay nina Joshua at Enchong ang iba pang shareholders, visual artist Kristine Lim, business owners Benedict Mariategue at Jacinto Lee Gan Jr., pati na sina music producers Jonathan Manalo at Rox Santos. NLVN