JOSHUA GARCIA NABUNUTAN NG TINIK NANG MAPAHIWALAY KAY JULIA

Joshua garcia

NAGBIGAY  ng  suporta si Joshua Garcia sa ex-girlfriend na si Julia Barretto sa hinaharap nitong controversial hotshotsngayon. Ipinost pa nga sa Instagram Story ng actress ang mensaheng natanggap nito mula kay  Joshua na nagbibigay ng encouraging words.

“Malalampasan mo yan. I know  you, you`re  the strongest  girl na nakakilala ko. Takot nga ako sa iyo eh,” say ni Joshua sa screen-captured text niya kay Julia.

Sinabi pa ni Joshua kung bakit siya takot kay Julia.

“Baba  car  now,” patuloy ni Joshua bilang halimbawa sa mga utos sa kanya ni Julia na kanya agad na sinusunod.

Samantala,  hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na paliwanag o pahayag si Julia sa mga isyung binabato sa kanila ni Gerald Anderson. Pawang mga post lamang ng may kinalaman sa kanyang kasalukuyang pinagdadaanan ang makikita sa kanyang social media.

Bukod pa diyan ay naka-off rin ang comment section ng kanyang Instagram kahit na panay ang post niya ng mga random picture.

Pero siyempre, kahit na anong gawin ni Julia ay nandiyan pa rin ang pag-aabang ng fans sa magi­ging pahayag niya sa isyung kinasasangkutan nila ni Gerald.

Sa isang banda ay parang nabunutan raw diumano ng tinik si Joshua dahil hangga`t  maaga ay nakita na niya ang ugali ng babaeng kanyang minahal  na hindi naging maganda.

BEA ALONZO IPINAGTANGGOL NG PINSAN

SA SOBRANG galit ng pinsan ni Bea Alonzo na si Osang Odango dahil sa nangyaring hiwalayan ng kanyang pinsanosang odonga kay Gerald Anderson ay umaasa itong maka-karma  rin daw ang actor.

Awang-awa raw si Osang kay Bea dahil alam niyang labis itong nasaktan sa ginawa ni Gerald.

Sa  galit ay matitinding  mga salita ang ginamit nito sa kanyang Instagram post para ipagtanggol si Bea.

Tinawag niyang “sneaky womanizer”  at “pathological  liar” si Gerald at makakarma  raw ito sa ginawa nito sa kanyang pinsan.

Heto ang post ng pinsan:

“You are incredibly twisted. A sneaky womanizer, a conniving  as****, a pathological  liar.

“I  will  never  run out of words to describe you dear!  Someday you will  get served what you deserve. Karma will catch up with you.”

“F *** you and f *** everything  about  you.”

Maging ang mga netizen na nagko-comment  at nagtatanggol kay Gerald ay inunahan na ni Osang: “Those who will  try to defend take your stinky garbage  somewhere  else.”

Tahimik pa rin hanggang ngayon si Gerald para sagutin ang mga bumatikos sa kanya pero nang komprotanhin siya ng ama ni Julia na si Dennis Padilla at tanungin kung liligawan ba nito si Julia ay “yes” ang naging tugon nito sa ama ng actress.

Comments are closed.