KUNG matutuloy, ang “Bayang Magiliw” ay gagamiting title ng isang movie na tatampukan ni Piolo Pascual kasama sina Baron Geisler, Rocco Nacino, at Laurice Guillen. Ikinatuwa raw ito ng press na kausap ng batikang direktor kaya may nag-suggest na baka puwede niyang isama rito si Judy Ann Santos para magsilbing reunion movie ng Juday-Piolo loveteam na sikat noon.
Ang naging reaksiyon ni Direk Mendoza ay natawa na lang daw ito sabay ang pagsabi, “Hahaha! Sige… tingnan natin kung puwede.”
Kaya naman pumasok sa eksena ang pangalan ni Juday ay dahil may pelikulang nagawa si Direk Mendoza at ito ang “Mindanao” na sa November ito nakatakdang ipalabas bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial (100 Years) ng Philippine Cinema na magki-kick off sa Setyembre. Bida sa Mindanao sina Judy Ann Santos at Allen Dizon. Ang original title nito ay “Bayang Magiliw,” na naging Maguindanao, bago naging Mindanao.
Samantala, natapos na kunan ni Direk Mendoza ang mga eksena ni Piolo sa pelikulang “Lupang Hinirang” at ayon sa kanya, maganda ang kanyang naging karanasan sa pakikipagtrabaho sa aktor kaya gusto uli niya itong makasama sa isa pang project. Matagal na nito gustong makatrabaho pero dahil sobrang abala ito sa kanyang telenobela schedule noon ay hindi ito nangyari.
Nilinaw ni Direk Mendoza na kasama sa original cast si Piolo kaya lang nabago ang role nito dahil dito sa Maynila kinunan ang mga eksena nito. Ang unang plano ay sa Mindanao ito kukunan pero dahil sa memorandum ng ABS-CBN na hindi nila pinapayagan ang kanilang actors na mag-shooting sa Mindanao kaya nagkaroon ng adjustment ang role ni Papa P.
HARLENE BUKING NA ANG SPECIAL SOMEONE FROM ‘THAT’S ENTERTAINMENT’
BUKING na kung sino ‘yung dating taga-“That’s Entertainment” na nali-link kay Harlene Bautista nowadays at ito ay ang ka-batch nito sa Thursday edition ng programa ni Kuya Germs na si Niel Eugenio na ngayon ay si Tristan Eugenio, a rich businessman from Australia at ngayon ay balik-Pinas for good.
Actually, inagaw nila ang limelight kina Angela Cortez and Sylvia Sanchez na nag-tie sa pagka-Best Actress sa nakaraang 2019 5th Sinag Maynila Film Festival. Nag-Best Actress si Angela sa pelikulang “Jino To Mari” at si Sylvia para sa Jesusa. Ginanap ito sa Conrad Hotel Grand Ballroom noong Sunday night, April 7, 2019.
Paano naman hindi nakaagaw ng eksena sina Harlene at Tristan na nakita silang magka-holding hands at medyo nag-behave lang nang walang puknat ang pag-flash ng camera sa kanilang dalawa. Ang aktres ang siyang naging presenter ng Best Short Special Citation sa nasabing awarding ceremony.
Comments are closed.