Nabalitaan ng aming mole na plano palang muling nagsagawa ng renewal of vows nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang 16th wedding anniversary next year
Natatandaan naming nag-renewal of vows din sila sa kanilang 7th wedding anniversary — which I think, is just alright, dahil nalagpasan nila ang tinatawag na 7-year itch. It calls for a celebration, considering na meron ngang ni hindi umabot ng isang taon ang pagsasama. I refuse to name names dahil alam nyo rin naman kung sino-sino.
Simple lang ang renewal of vows dati nina Judy Ann at Ryan at ang mga bisita lang ay family and friends, sa isang beach ceremony sa Batangas.
I remember, beach wedding din sila sa Batangas noon, na all-white pa ang costume, plus exclusive na exclusive dahil hindi talaga ipinagmakaingay. Very selected ang invited. Year 2009 yon at isa pa lang ang anak nila. Ngayon, tatlo na. Sina Johanna Louise (Yohan), Juan Luis (Lucho) at Juana Luisa (Luna).
Mahilig magmotor si Ryan at madalas din siyang tumakas kay Judy Ann.
By the way, si Ryan nga pala, fyi, ay actual descendant ni Marcela Agoncillo, ang babaeng tumahi ng bandila ng Pilipinas na iwinawagayway ngayon.
Lola ni Ryan si Doña Marcela Mariño de Agoncillo (née Mariño y Coronel na isinilang noong June 24, 1859 at namatay noong May 30, 1946. Siya ang Filipina na principal seamstress ng una at opisyal na bandila ng Pilipinas, kaya naman tinagurian siyang “The Mother of the Philippine Flag.”
Apat na taong magkarelasyon sina Judy Ann at Ryan bago sila nagpakasal noong 2009.
Ayon sa award-winning actress, isa ito sa kanyang best decisions in life.
“Almost 20 together,” ani Juday.
Wala na raw siyang mahihiling pa dahil ipinakita sa kanya ni Ryan ang true meaning ng love, honesty, and support.
“Pwede palang magmahal nang ganito katindi, at pwede kang mahalin nang tapat at totoo. Mahal na mahal kita habang buhay,” sabi pa niya.
Kung may renewal of vows uli sila next year, abangan na lang natin, dahil malamang, hindi naman tayo invited. Hahaha!
RLVN