IPINAGMAMALAKI ni Dennis Padilla na nakatanggap siya ng birthday greetings mula sa kanyang anak na si Julia Barretto.
Ayon kay Dennis, isa sa greatest gifts na natanggap niya sa kanyang 62nd birthday noong Pebrero 9, 2024 ay ang pagbati ng kanyang anak. Hindi na raw niya matandaan kung kailan sila huling nagkita at nagkausap.
Kahit umano text message lamang ang kanyang natanggap niya mula sa kanyang estranged daughter ay maligayang-maligaya pa rin siyang nagkaroon sila ng komunikasyon ng anak.
Napaiyak daw si Dennis nang matanggap ang mensahe dahil tagos na tagos ito sa puso. Isa umano itong positibong palatandaan na manunumbalik na sa dati ang kanilang relasyon bilang mag-ama.
Dalawang taon nang may gap ang mag-ama. Nagsimula ito noong June 2022 nang unang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Dennis at ng ex-wife na si Marjorie Barretto.
Nadamay ang kanilang mga anak ay hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon.NLVN