JULIA BARRETTO UMAMIN NA

JULIA BARRETTO

WALANG kaduda-dudang masaya at in love ang aktres na si Julia Barretto.

Hindi naman binanggit ng aktres kung sino ang masuwerteng guy.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang nararamdaman sa interview ni  G3 San Diego, nang tanungin kung ito ay in love.

“Yeah,” ang simpleng tugon ng magandang aktres ngunit hindi nito tinukoy kung sino ang nagpapatibok ng kanyang puso bagama’t naiisyu ito sa aktor na si Gerald Anderson.

Naging mainit ang usapin kina Julia at Gerald nang ibulgar ng aktres noong Marso na ipinagdiwang nito ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya at kanyang “loved one.”

Nitong lockdown ay may mga naglabasang isyu na nakikita si Julia sa resort na pag-aari ni Gerald. Buo ang suporta ng Kapamilya actress sa bagong business ng aktor.

Maging ang pamilya ni Julia ay nag-bonding sa Zambales resort base sa mga larawang lumabas sa Instagram kung saan nagdiwang ng kaarawan ang kapatid nitong si Dani Barretto bagamat wala sa mga litrato si Julia.

Sinabi ni Dani na nag-stay sila sa  Shore House Zambales na napag-alamang malapit lang sa resort ni Gerald.

Hanggang ngayon ay walang inaamin sina Julia at Gerald.

Ang huling na-link kay Julia ay ang onscreen partner nitong si Joshua Garcia ngunit kalaunan ay naghiwalay rin. KALI CHAN

Comments are closed.