MARAMI ang naaliw sa pagtatalo nina Julia Barretto at Joshua Garcia nang mag-guest ang dalawa sa TV show ni Kuya Boy sa Tonight With Boy Abunda.
Isa kasi sa pinag-usapan ay kung ano ang dahilan ng kanilang selosan at una ngang nagsalita si Joshua. Sinabi na minsan daw ay hindi siya comfortable sa isinusuot ni Julia dahil braless.
Dumepensa si Julia dahil wala naman daw masasalo ang bra dahil maliit lang ang kanyang dibdib. So, bakit pa raw siya mag-susuot ng bra.
Sumagot naman si Joshua na, “Suggest ko na magsuot ka kahit baby bra,” sabay lambing kay Julia.
Sinagot naman ito ni Julia na kahit nga raw baby bra ay wala pa ring masasalo sa kanyang dibdib. So hindi na raw kailangan.
Marami ang natuwa sa pagiging prangka at totoong tao ni Julia, pero in some cases naman daw ay nagsusuot siya ng bra.
Sa parte naman ni Joshua, ang pinagseselosan ni Julia ay ang sobrang pagkahumaling daw ni Joshua sa computer na inaabot ng madaling araw kaya kahit nakailang tawag o text na siya ay sobrang tagal bago masagot daw ni Joshua.
Katuwiran naman ni Joshua, “Kasi nu`ng bata pa ako, gustong-gusto ko talaga magkaroon ng computer. Kaya nang makabili ako, ‘yun na ang ginawa kong libangan.”
“At least, hindi ko nakahiligan ang tumambay o gumimik-gimik. Bahay lang talaga. Ano gusto mo, nasa labas o nagko-computer?” patuloy ni Joshua.
Napagtanto ni Julia na mas okey na nga ‘yung maloko sa computer si Joshua kaysa gumimik at mabarkada pa.
Naaliw at natawa rin si Kuya Boy sa pagiging prangka nina Julia at Joshua.
CATRIONA GRAY INAMIN ANG STRETCH MARKS SA KATAWAN
INAMIN ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na may stretch mark siya sa katawan.
Sa Instagram post ni Catriona bago raw siya nanalong Miss Universe ay hindi siya naglagay ng filter para lang maitago ang kanyang stretch marks nang magsuot ng bikini sa beach.
Ayon kay Catriona, ang pagkakaroon raw ng stretch marks sa mga babae ay normal lang at gusto niyang iparating sa mga kaba-baihan na okey lang may stretchmarks, because it`s all about being a natural woman.
Inamin niya na hindi siya perfect at may flaws sa kanyang katawan tulad ng ibang tao.
“Who doesn’t, right? It`s a part of being a woman. I`m a regular person just like anyone else,” nakangiting say ni Catriona
Ipinagtapat din ni Catriona na mayroon siyang scoliosis. Pero hindi raw ito naging hadlang para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
“I think that was drawn out of proportion. Yes, I have scoliosis, but it has never stopped me. I feel like it was blown out of pro-portion a little bit. Yes, I have scoliosis, yes it causes me discomfort, but that`s all.
“It has never made me cry, it has never put me in excruciating pain and I`ve never seen it as a barrier to what I wanna pursue and what I want to do…so it`s just a part that makes me unique.
Comments are closed.