NAGDIWANG ng kanyang 39th birthday si Coco Martin last November 1 at always, hindi nakalilimot si Julia Montes na batiin ang rumored boyfriend ng happy birthday.
Sa greeting na pinost ni Julia sa kanyang Instagram account, HBD ang caption na nilagay niya with cake and flying kiss emoji na sapat na para kiligin ang CocoJuls fans.
Patunay lang ito na nandoon pa rin ang pagmamahalan ng dalawa at sapat na ‘yun para ipagsigawan na matibay nga ang namamagitan kina Coco at Julia.
Samantala, nagkaroon din ng birthday charity event si Coco last October 31 sa piling ng mga batang may cancer sa Philippine Children`s Medical Center.
Ayon sa Facebook post ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment, pang-apat na raw na birthday charity event ‘yun ng actor sa PCMC kung saan nga ay muling pinaligaya ni Coco at mga kasamahan sa FPJ`s: Ang Probinsyano ang mga batang cancer patients.
Nagkaroon din ng celebration si Coco sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas, kasama ang kanyang FPJAP Boys na sina Michael de Mesa, Raymart Santiago, Arron Villaflor, Jobert Austria, John Prats atbp.
Birthday ride ang tema ng celebration na kung saan nag-motor silang lahat papuntang Batangas.
Naka-upload sa YouTube account ni Coco ang birthday ride celebration ng actor na kung saan makikita nga ang kanilang masayang bonding. Kapansin-pansin lang na walang babae silang kasama na tila strictly for boys lang ang birthday bash.
Iwas nga naman sa intriga kapag nagsama pa sila ng babae, lalo na nandiyan at nagparamdam na si Julia Montes.
ION PEREZ GUSTO LANG UMANO NG GINHAWA KAYA PUMATOL KAY VICE GANDA
KUNG may nagsasabi na gustong lang makaranas ng kaginhawaan si Ion kaya pinatos nito si Vice Ganda.
Kung nagkataon daw na isang ordinaryong bakla si Vice at walang datung at hindi kilalang TV host/actor, patulan pa raw kaya siya ni Ion o kaya kung sinumang lalaki na naghahanap ng kasama sa buhay.
Well, may nagtatanggol din naman kay Ion na nakita at minahal ang isang Vice Ganda dahil sa tunay na pagmamahal na nadama ng lalake sa kapwa lalaki na may pusong babae.
Ganoon din ang batikos na nasasagap namin sa mga umpukan para kay Vice, na kaya raw nakukuha o nagugustuha siya ng lalaki ay una nga ay may pera at isang celebrity.
Well, hayaan na lang natin kung saan sila liligaya at hindi naman kayo ang gumagastos. Ang importante ay wala silang tinatapakan at anuman ang sabihin ng ibang tao ay buhay nila ‘yun na walang puwedeng pumigil sa kanilang nadarama.
Tanong, pag-ibig nga kaya ang nadarama ni….
BUBBLE GANG INI-SPOOF ANG AWAYAN NG MGA BARRETTO
KAALIW ang Friday episode ng Bubble Gang last Friday na kung saan ini-spoof ng BG barkada ang “awayan” ng Barretto sisters.
Kaaliw rin ang ibang gag segment, lalo ang Holloween gag na kung saan ay puro katatakutan at katatawanan ang ginawa ng BG barkada.
Bakas sa mukha ni Michael ang kalungkutan dahil sa pagyao ng kanyang ama, pero dahil isang professional actor/director ay ginawa nito ang magpatawa sa longest running gag show sa telebisyon, ang Bubble Gang na napanonood every Friday evening sa GMA 7.
Comments are closed.